“Hoy!” sigaw ni Veronica. Bigla kong naitulak si Race nang marinig kong sumigaw si Veronica. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila dahil kita sa mukha nila ang mga ngiti. Pinagtuunan naman ni Race ang alak sa wine glass niya. “Usapan kiss lang hindi landian,” natatawang saad ni Veronica. “Lester, patulugin mo na nga ang asawa mo lasing na,” wika ni Tomtom. “Joke lang! Happy ako sa kanilang dalawa.” Tumayo ako. “Excuse me!” Nagmadali akong pumunta sa banyo. Naghilamos ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko halik ni Race. “s**t! Anong gagawin ko?” kausap ko sa sarili habang nakatingin ako sa salamin. “Bakla!” Sumimangot ako nang makita ko si Dina at Tiffanie. “Gaga ka talaga!” inis kong sabi kay Veronica. Lumapit sa akin si Veronica at naghilamos ng mukha.