"Ang guwapo mo talaga kahit tulog," bulong ko habang nakatingi kay Race. Kanina pa ako gising ngunit hindi ako bumabangon kahit na nga nakakaramdam ako ng gutom. Gusto kong pagmasdan ang mukha ni Race. Hindi kasi nagigising kahit ilang beses kong pinitik ang ilong niya. "Pasalamat ka mahal kita kaya tinangga ulit kita," kausap ko sa tulog. Nang magsawa akong pagmasdan siya ay bumangon na ako para maligo. Mabuti na lang talaga at may damit ako sa bahay ni Veronica. May pamalit ako kahit ilang araw akong mag-stay dito. Dahil walang dalang damit si Race. Kinuha ko ang mga damit niya sa sahig at nilabhan ko ito sa automatic washing machine. Pagkatapos ay naligo na ako. “Good morning!” bungad kong bati kay Veronica. Naabutan ko siya sa kusina habang kumakain ng almusal. “Mmm.. mukhang m