KAREN’S POV. BENTE minutos na akong naghihintay kay Rigor sa harap ng kanilang bahay. Hindi ako puwedeng pumasok sa loob dahil kasama niya ang kanyang biyenan at magulang niya. Kahapon ay tumawag ang magulang ni Rigor sa kanya para sabihin na mag-usap sila ng pamilya ng kanyang asawa. Tuloy na tuloy na ang paghihiwalay nilang mag-asawa kaya masaya ako. Binuksan ko ang bintana at nagsindi ako ng sigarilyo habang nakikinig ako sa musika. Hinihintay kong umalis ang asawa at pamilya nito bago ako pumasok sa loob ng bahay. “Tsk! Bakit ang tagal nilang umalis.” Kinuha ko ang telepono ko at sinubukan ko siyang tawagan. Ngunit hindi niya sinagot ang tawag. “s**t!” Ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng text galing kay Rigor. Don't call me, I'm still talking to my mother-in-law. “f**k!” Hi