“BUNSO!” Lumingon ako nang marinig kong tinawag ako ni Kuya Darius. Nasa sala siya at kausap ang asawa niya. Lumapit ako sa kanila at ngumiti. “Bakit, Kuya Darius?” Tumingin siya sa asawa niya bago tumingin sa akin. “Can we talk?” Tumango ako. “Doon na lang sa kuwarto ko para walang makarinig.” Nauna akong naglakad papunta sa kuwarto ko. “Bakit mo ako gustong makausap?” Umupo siya sa gilid ng kama. “Right now, I am already asking for your forgiveness.” Kumunot ang noo ko. “For what?” “Ginanti ka namin sa boyfriend mo.” Halos patayin ko ng matalim na tingin si Kuya Darius. “Anong ginawa n’yo kay Race?!” “Huwag kang mag-alala hindi namin siya pinatay.” “Kuya!” sigaw ko. Pumunta kami sa Manila para bugbugin siya. Hindi kami nakapagpigil nila Daniel kaya napuruhan namin siya.” “An