AFTER TWO YEARS. Tuwang-tuwa si Mommy habang karga niya ang anak kong si Raiden. Magkasama kasi silang dalawa habang kinukuhanan ng larawan sa photobooth na inarkila ko. Two-years old na ang anak ko ngayong araw, kaya sobrang daming tao sa mansyon. Marami kaming bisita na mga anak ng kaibigan ni daddy at mommy. “Raiden, smile ka anak,” sabi ko. Ngumiti naman si Raiden kaya nakuhanan ito ng larawan ng photographer. Lumapit naman ang mga kuya ko at kinarga si Raiden para magpa-picture. Kung nakakapagsalita siguro si Raiden ay nagreklamo na siya dahil kanina pa siya pinagpasapasahan ng pamilya ko. “Dina, tawag kayo ng emcee,” wika ni Kuya Daniel. Kinuha ko si Raiden at pumunta kami unahan kung saan naroon ang mga bata dahil may mga clown at mascot. “Happy birthday, Raiden!” sigaw ng cl