Race embraces me tightly as we lie side by side on the bed. Today is Saturday, so Race won't be going to his company. I feel his breath on my neck. “Dina, malapit ng lumabas ang anak natin. Ano kaya kung magpakasal na tayo bago lumabas ang baby natin?” Humarap ako sa kanya. “Gusto kong maglakad sa altar.” “Civil wedding muna tayo at pagkatapos saka na tayo magpakasal sa simbahan.” Bigla akong nakaramdam ng lungkot. “Gusto ko sanang makasama ang pamilya ko sa araw ng kasal ko.” “Gusto mo puntahan natin sila?” Umiling ako. “Hindi pa rin nakikipag-usap si daddy at mommy sa akin hanggang ngayon.” Marahan niyang hinaplos ang buhok. “It’s okay, nandito naman ako para sa iyo.” “Race, okay na siguro kahit wala ang magulang ko. Siguro naman pupunta ang magulang mo kung sakaling ikakasal tay