NAGKULONG ako sa kuwarto ko habang hinihintay na dumating ang daddy at mga kapatid ko. Kinakabahan ako sa maaring sabihin nila sa akin lalo na si daddy. Kapag nagagalit siya ay nanakit siya. Hindi ko na mabilang ang sampal na inabot ko sa kanya. Narinig kong tumunog ang pinto. “Senyorita, nasa labas na ang mga kapatid at ang daddy mo hinahanap ka nila.” Tumayo ako para buksan ang pinto. “Yaya Marita.” “Senyorita, nasa labas sila at hinahanap ka.” Ngumiti ako. “Sige, lalabas na ako.” “Sumunod ka na.” Tumango ako. Naglagay ako ng lipstick, blush on at pulbos sa mukha para hindi naman halatang namumutla ako sa takot sa kanila. Hindi ko alam kung paano ako naglakad papunta sa kusina. Kulang na lang himatayin ako nang matanaw ko sila at nakatingin sa akin. Sa unang pagkakataon, nakita kon