MALAMIG na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko nang bumungad sa akin ang malaking arko ng bayan ng San Antonio. Pagod at puyat ako dahil sa pagda-drive ng higit limang oras. Ngunit mas nakaramdam ako ng pagod at takot ngayon habang papalapit na ako sa Hacienda namin. Kinse minutos na lang kasi at makakarating na ako sa hacienda namin. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago ng lugar namin habang binabagtas ko ang daan pauwi sa amin. Ang daddy ako ang gobernador ng probinsya at kuya ko naman ang mayor ng bayan. Halos lahat ng kapatid kong lalaki ay nasa pulitika at may kanya-kanya ng sariling pamilya. Ako ang nag-iisang babae at malaki ang expectation sa akin ng pamilya ko pero binigo ko sila. Umalis ako ng bayan namin dahil ayokong sumunod sa gusto nila. Ayokong pumasok sa politiko tula