MULA noong tinanong ni Mikael si Leigh tungkol sa pagpapakasal. Ang sabi ni Mikael ay maghanda raw siya. Napaisip tuloy si Leigh tungkol doon. Alam niyang darating sila ni Mikael sa puntong ‘yon, ang magpapakasal silang dalawa. Kung handa na si Mikael sa buhay may-asawa, ang tanong ngayon ay siya? Mukhang nagdadalawang-isip pa lamang siya kaya hindi siya nagbigay ng sagot kay Mikael noong tinanong siya nito kung handa na ba siyang magpakasal. Oo, may anak na silang dalawa ngunit hindi naman ‘yon ang basehan upang magpakasal na silang dalawa. Hindi naman minamadali ang bagay na ‘yon. Habang nag-iisip si Leigh, biglang sumagi sa isipan niya ang asawa ng Kuya Levi niya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone saka tinawagan si Flor. “Yes, sister-in-law. What can I do for you?” malambing na sa