“HON,” yumakap si Evelyn as asawa. Nasa may balkonahe sila ng kanilang silid na kung saan ay nakikita nila ang nasa pavilion. Naroon si Mikael, Leigh at Ace. Maverick kissed his wife’s forehead before turning his gaze to his son. Napangiti siya dahil nakikita niya ang masayang ngiti ni Mikael habang kasama nito ang mag-ina nito. “Ano ‘yon?” tanong ni Maverick sa asawa. Umiling si Evelyn. “Wala.” “Look at our son. Kahit malayo siya sa atin nakikita ko ang masayang ngiti niya.” Sabi ni Maverick. Sinundan naman ni Evelyn ang tinitignan ng asawa. Napatango siya. “Yeah, Mikael seems genuinely happy.” Maverick sighed. “Kailan kaya ang balak nilang magpakasal? May anak na sila at nagsasama na rin. That…” “Hon,” malumanay na saad ni Evelyn, “malaki na si Mikael. Siguro naiisip na rin niya