Isang linggo akong nagkulong sa unit ko, wala akong kinausap na kahit na sino sa loob ng isang linggo na 'yon. I also off my phone and di-activate all of my social media accounts na para bang may tinataguan akong tao kahit na wala naman pero wala nga ba talaga?
Napabuntong hininga na lang ako. Isang buwan na lang at graduation na namin pero hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawin ang gusto ni Abby. I only have one month to fullfil my promise to her at ang imposible no'n.
"Lauren!"
Napabalikwas ako ng bangon sa higaan ng bigla na lang pumasok si Abby sa kwarto. I remember changing my code pero hindi ko alam kung paano n'ya nagagawang makapasok pa rin dito sa unit ko.
"Anong ginagawa mo dito Abby?" tanong ko sa kanya.
"I'm here to ask for an update sister" sabi n'ya sa akin.
"Wala kang makukuhang kahit anong update sa akin Abby, hindi ako lumalabas ng unit ko so hindi kami nagkikita ng lalaking kinakabaliwan mo" sabi ko sa kanya at palihim na inirapan s'ya.
"Then come with me then" sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko.
"Where?" tanong ko.
"Secret and please take a bath, you smell awful eh" sabi n'ya at lumabas na ng kwarto ko.
Wala sa sariling inamoy ko ang sarili ko sa dahil sa sinabi n'ya at napailing na lang dahil hindi naman totoo. I may be look awful but I'm not smelly. Dumiretso na lang ako sa banyo at naligo para tumigil na si Abby.
Inabutan ko s'ya sa may kusina na umiinom ng beer. "Ang aga para sa beer Abby." sabi ko sa kanya.
"No! Hapon na kaya. Nawawala na ang sense of time mo dahil nagkukulong ka dito sa loob ng unit mo. Hindi mo na rin magawa ang pinagawa ko sa'yo. Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo dito? Are you still on my side?” Tanong n’ya sa akin at inubos ang beer na iniinom sa harap ko.
“Abby are you insane?!” Sigaw ko sa kanya ng wala sa oras.
Nawala sa loob kong buntis ang kapatid ko at hinayaan ko lang s’yang ubusin ang beer sa harap ko, knowing na buntis nga pala s’ya.
“What?” Nagtatakang tanong n’ya sa akin ng agawin ko ung bagong bukas na hawak n’yang beer.
“Abby buntis ka! Hindi ka pwedeng uminom!” Mariing sabi ko sa kanya.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang irap n’ya sa akin kaya lalo akong nainis.
“I know Lauren pero ayaw naman ni Thaddeus ng batang ‘to so why do I care!” Sabi n’ya na lalong nagpainit ng ulo ko.
“You’re crazy! You want me to ruin their wedding para sa anak n’yo and yet ganyan ang ginagawa mo! Hindi mo inaalagaan ang sarili mo! Gusto mo bang sabihin ko kay Dad na buntis ka! Mas mainam pa ngang ganon na lang para at least si Daddy na ang kakausap sa ama ng anak mo!” Pasigaw na sabi ko sa kanya.
Para naman s’yang natauhan sa sinabi ko. Mas mainam nga ata talaga na malaman na ng magulang n’ya ang totoo.
“Lauren No! If they will know itatakwil ako ni Dad! I don’t want that to happened! They will get mad at me, they will see me as a disappointment!” Halos magwala na s’ya habang sinasabi sa akin ‘yan.
“Then ayusin mo ‘yang sarili mo. Abby hindi ko gustong gawin ung pinapagawa mo sa akin pero dahil kapatid kita at gusto kong magkaroon ng ama ang pamangkin ko, gagawin ko ung gusto mo pero kung hindi mo papahalagahan yang sarili mo, bahala ka na sa buhay mo.” Sabi ko sa kanya.
“I’m sorry, stress lang talaga ako kasi after graduation ikakasal na sila at malapit na ‘yon. Ayokong makasal sila. Si Thaddeus lang ang mahal ko at hindi ko kayang mawala s’ya.” Sabi n’ya sa akin.
“Umuwi ka na muna Abby, rest and please cancel all your plan for tonight! You need to rest for the baby.” Sabi ko sa kanya at sinamahan s’yang bumaba.
Hinatid ko s’ya sa parking lot kung saan naghihintay sa kanya ang driver n’ya. Tinanaw ko lang silang makaalis at bumalik na ako sa unit ko pero bago pa man ako makapasok sa loob someone just grab my hand and drag me somewhere.
“Thaddeus!”
“Iniiwasan mo ‘ko!” Sabi n’ya at binitawan ang kamay ko.
“Hindi,” simpleng sagot ko sa kanya.
“You’re avoiding me, ilang araw na.” Sabi pa n’ya.
“I’m not, okay. Saka anong dahilan para iwasan kita? In the first place hindi naman tayo close.” Sabi ko sa kanya at pinagtaasan s’ya ng kilay.
I’m so confused sa mga kinikilos n’ya.
“The kissed,” simpleng tugon n’ya sa tanong ko.
“Halik lang ‘yon Thaddeus, I can kiss anyone” sabi ko at bahagya s’yang natigilan. His mood changed. “Wag mong sabihing apektado ka sa halik na ‘yon?” Mapaghamon na tanong ko pa sa kanya.
Dahan dahan s’yang lumapit sa akin at hindi naman ako nagpatinag sa pwesto ko.
“What if I am, what will you do?” Tanong n’ya at mas lumapit pa sa akin.
“Hindi ko na problema ‘yon Thaddeus, kung apektado ka sa nangyari wala na akong magagawa don. So, don’t bother me.” Sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya.
“It will be your problem Lauren!” Sabi n’ya at bigla na lang akong hinila palapit sa kanya na ikinalaki ng mata ko.
“Thaddeus let me go!” Mariing sabi ko sa kanya pero mas lalo lang n’yang hinigpitan ang magkakahawak sa bewang ko.
Alam kong walang makakakita sa amin dito pero wala akong oras para makipaglaro sa kanya. Hindi ganito ang inaasahan ko. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya.
“I won’t let you go, sinimulan mo ‘to Lauren. You should not provoke me!” Bulong nya sa tenga ko at bahagya ‘yon kinagat.
Goosebumps!
“Thaddeus stop!” Naiinis na sabi ko sa kanya.
“I can’t Lauren, not today!” Sabi n’ya at basta lang akong hinalikan na ikinalaki ng mata ko.