Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa taong nasa harap ko ngayon. Ano na naman drama ang mangyayari sa araw na ‘to?
Wala na atang magandang mangyayari sa buhay ko.
“Anong kailangan mo?” Tanong ko sa kanya
“Anong ginagawa ni Argus dito ng ganito ka aga?” tanong n’ya sa akin.
“Why do you care?” tanong ko rin sa kanya kesa sagutin ang tanong n’ya sa akin. Last time I check wala naman s’yang pakielam sa buhay ko.
“I care because I’m your father!” mariing pabulong na sabi n’ya dahil nasa labas s’ya at baka may makarinig na tao sa kanya.
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi n’ya pero pinigilan ko na lang. Wala naman ng bago at napapagod na ako. “Last time I check I’m not your daughter and I will never be.” sabi ko sa kanya.
Mahigpit n’ya akong hinawakan sa kamay at hinila papasok sa loob ng unit ko. “Anak kita Lauren at hindi mo maiaalis sa dugo mo na ako ang ama mo!” sabi n’ya sa akin at medyo mataas na ang boses dahil nandito na kami sa loob.
“Anak mo lang naman ako kapag tayong dalawa lang ung magkasama at walang nakakakita o nakakarinig. Matagal ko ng tanggap na hindi mo ako kayang ituring na anak sa harap ng maraming tao kaya wag na tayong magpanggap na concern ka sa akin dahil sa totoo lang wala ka naman talagang pagtingin sa akin sa simula pa lang, pupunta ka lang naman dito kapag may kailangan ka o kapag may problema kay Abby” sabi ko sa kanya.
“Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?” tanong n’ya.
“Oo.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya. “Kung si Abby ang pakay mo kung bakit ka nagpunta dito, wala s’ya dito at huwag mo sa akin hanapin ang kapatid ko dahil hindi ko alam kung nasaan s’ya. Please lang kahit isang araw lang patahimikin nyo muna ko kasi nakakapagod na.” sabi ko sa kanya at tinalikuran na s’ya.
“I’m sorry” sabi n’ya.
“Wow, I never expect to hear that word from you dad pero huli na.” sabi ko sa kanya at akmang lalapit s’ya sa akin pero umatras lang ako. “Hindi ko na po kailangan ng sorry n’yo dahil sanay naman na ‘ko, sanay na sanay na akong masaktan.” sabi ko sa kanya.
“What do you want me to do Lauren?” tanong n’ya sa akin at mapait akong ngumiti sa kanya.
“Nothing. Kahit naman sabihin ko hindi mo rin naman gagawin at kung gawin mo man madaming mawawala sayo kaya ‘wag na lang kasi baka ako pa ang sisihin mo at sawang sawa na akong masisi sa kasalanan na hindi naman ako ang gumawa, sa kasalanan na hindi naman dapat ako ang nagdudusa.” Sabi ko sa kanya. “Just leave dad. Iwan mo na lang muna ko at ‘wag muna kayong pumunta dito kung ganito lang lagi ang mangyayari sa pag-uusap nating dalawa.” Muling sabi ko.
Ang sama kong anak para paalisin na lang s’ya pero hindi ko na kayang makipag-usap pa ngayong araw na ‘to. Masyado ng madaming nangyari sa araw ko.
Narinig ko na lang na bumukas at sumara ang pinto ng unit ko. Napaupo na lang ako at pinunasan ang luhang kanina pa gustong tumulo simula ng dumating s’ya.
Pagod na pagod na ako sa kanilang lahat.
Napatayo ako ng may biglang kumatok. Kahit wala akong lakas na makipag usap kahit kanino tumayo pa rin ako para tingnan kung sino ang nasa labas.
“What happened to you?” tanong n’ya sa akin ng makita ako.
I just look at him with a blank emotion. Wala ako sa mood makipag away, wala akong balak gumawa ng ikakasakit ng ulo sa ngayon kasi punong puno na ‘ko at katahimikan ang gusto ko sa araw na ‘to. Kung ano man ang dahilan n’ya kung bakit s’ya nandito sana lang ‘wag na s’yang dumagdag sa iniisip ko kasi isa s’ya sa malaking desisyon na dapat kong pag-isipan at hindi pa ako handa para do’n.
Hindi ata ako magiging handa para sa isang bagay na hindi ako sigurado kung tama.
“Lauren, I’m asking you. What happened” tanong n’ya ulit at hinawakan na ako sa magkabilang balikat ko.
Dapat ko ba talagang gawin ang gusto ng kapatid ko. Kapag ba ginawa ko ‘yon makakawala na ako sa kanilang lahat? Matatapos na ba ‘tong paghihirap na nararamdaman ko? Makakawala na ba talaga ako sa buhay nila o gagawa lang ako ng isang desisyon na lalong magkukulong sa akin sa bagay na hindi ko naman gusto?
Si Thaddeus ba talaga ang sagot sa lahat ng problema ko? Matitigil ba lahat ng ‘to kapag sinunod ko si Abby at pinigilan ko ang kasal ng taong nasa harap ko ngayon?
Tama ba ‘tong naiisip kong gawin? Ikakabuti ba ‘to ng lahat o para lang sa ikakabuti ‘to ni Abby at ng batang dinadala n’ya?
“Do you really want to get married Thaddeus?” wala sa loob na tanong ko sa kanya.
“What are you talking about” tanong n’ya sa akin at kumunot ang noo.
“Gusto mo ba talagang pakasalan si Lizzy? Magpapakasal ka ba talaga sa kanya?” tanong ko ulit sa kanya.
Tinitigan n’ya lang ako na para bang wala ako sa sarili ko sa mga itinatanong ko sa kanya. Totoo naman na wala nga ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
“Of course I want to marry the woman I love.” sagot n’ya sa akin.
But I can change your mind, wala sa loob na sabi ko sa sarili ko at hinalikan s’ya pero agad din akong natauhan sa ginawa ko ng lumalalim na ang halik ko sa kanya kaya naman mabilis ko s’yang itinulak at isinara ko agad ang pinto ng unit ko.
Napasandal na lang ako sa likod ng pinto. Ang tanga ko para gawin ‘yon! Ano na naman pumasok sa isip ko para halikan ang taong ‘yon? Nawawala ako sa sarili ko kapag kaharap ko s’ya.
May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya pagkatapos nito?