Chapter 17 - Lauren POV

1109 Words
Kinalimutan ko na lang ang nangyari sa araw na ‘to, mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang balak kong pag alis ng bansa pagkatapos kong makagraduate. Konti na lang naman kasi ang kailangan ko para makaalis na ako. I’m just waiting for my diploma and I’m good to go. I have my savings and myself. Wala ng iba, sarili ko lang ang kailangan ko. Wala ng ibang tao pa. Wala man approval ng ama ko wala na akong pakielam do’n dahil sa oras na matapos ko ang pag-aaral ko malaya na ako sa kanila. Dala ko sa puso ko lahat ng sakit na dinanas ko sa piling ng sarili kong ama at hindi mawawala ‘yon. Pagod na akong magmukang kawawa habang sila ay masaya sa tuwing magkakasama sila at ako nakatago sa isang tabi dahil hindi pwedeng malaman ng lahat na anak ako ng ama ko. Ito na naman ako sa ma-drama kong buhay na hindi na natapos. Natatawa na lang ako sa sarili ko. Sobrang sama ng loob ko sa kanilang lahat pero hindi ko naman mailabas dahil takot pa rin ako. Akmang babalik na ulit ako sa kwarto ko para ituloy ang pagtulog ko ng may kumatok. Alam kong hindi si Abby ‘to dahil hindi naman marunong kumatok ‘yon at basta na lang papasok dito sa unit ko tulad kanila. Kumunot ang noo ko ng buksan ko ang pinto at ng makita ko kung sino ang tao sa likod nito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya habang mahigpit ang hawak sa doorknob. “Masamang puntahan ka dito? Phoebe mentioned to me last night na bigla ka na lang nawala,” sabi n’ya sa akin. “Wala ka bang balak na papasukin ako? I brought you coffee,” tanong n’ya at pinakita ang dalang kape. Napabuntong-hininga ako at pinapasok s’ya sa loob ng unit ko. “Are you drunk last night?” tanong n’ya sa akin habang nakatingin sa basag na vase. Hindi ko pa pala naliligpit ang binasag na vase ni Abby dahil wala akong lakas. “No, natabig ko lang ‘yan,” sabi ko sa kanya at sinuman pulutin ang mga nabasag na vase ni Abby. Kung hindi ko napigilan si Abby kanina baka mas malala pa ‘to. Hindi naman ito ang unang beses na nakita kong nagwala si Abby pero ito ang unang beses na nagbasag s’ya dito sa unit ko. “I saw Abby earlier crying,” sabi n’ya sa akin kaya tumingin ako sa kanya. “Careful!” sabi n’ya pero nasugatan na ako. “Aray!” inis na sabi ko at dumiretso sa kusina para itapat sa gripo ang kamay kong nasugatan dahil sa bubog. “Where is your first aid kit?” tanong n’ya sa akin at itinuro ko naman sa may cabinet. Kinuha n’ya ‘yon at lumapit sa akin. “Ako na Argus,” sabi ko sa kanya pero hindi s’ya nakinig at ginamot pa rin ang sugat ko. Napangiwi ako habang ginagamot n’ya ang sugat ko. “Next time wag kasing clumsy,” sabi n’ya sa akin at ngumiti. Gusto ko sanang umapela pero itinikom ko na lang ang bibig ko kasi wala naman alam si argus sa kung anong koneksyon ko kay Abby, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nagpunta si Abby dito at nagwala dahil alam kong magtataka s’ya kung bakit nagpunta si Abby dito para lang magwala. Alam n’yang malapit ako sa pamilya nila Abby pero hindi n’ya alam kapatid ko si Abby. “Are you okay?” tanong n’ya ng matapos akong gamutin. “Oo naman,” sagot ko sa kanya at ngumiti. “So what happened last night?” tanong n’ya sa akin at inabot ang kapeng dala n’ya. “Nothing,” sagot ko sa kanya pero alam kong hindi s’ya naniniwala. “I saw you with Thaddeus,” sabi n’ya na nagpatigil sa akin. Huwag n’yang sabihin na nakita n’ya rin ang nangyari kagabi? Hindi pwede. Ayokong magkaroon ng gulo lalo na kapag nakarating kay Abby ‘yon. “Then?” tanong ko. I still act as if nothing happened last night. Knowing Argus alam kong walang nakakatakas sa mga mata nito. Ayokong magpahalata na may nangyaring hindi maganda kagabi. “Kelan ka pa naging close sa kanya Lauren?” seryosong tanong n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “I’m not, he was just my partner sa proposal project namin.” sabi ko sa kanya dahil totoo naman. “Okay, by the way the rumors are true. He is getting married!” sabi n’ya sa akin. Pinagtaasan ko s’ya ng kilay. “Kelan ka pa naging chismoso?” tanong ko sa kanya. “Thaddeus is one of my friend, I may not be that close to him but we are friends” sabi n’ya sa akin at nagkibit balikat saka ipinagpatuloy ang naudlot kong paglilinig ng kalat ni Abby sa sala. “What do you know about Thaddeus fiance?” tanong ko sa kanya at kumunot ang noo n’ya. “Why?” tanong n’ya sa akin. “Just curious, I met her once eh” sabi ko sa kanya. “She’s nice and I know Thaddeus really love her to the point he can give up everything just for her. She’s one of a kind,” sabi n’ya sa akin at ginulo ang buhok ko. “You’re one of a kind too,” sabi n’ya sa akin saka tumabi sa akin. Napairap na lang ako sa kanya. “What’s your plan after graduation?” tanong ko sa kanya. “Nothing,” sagot n’ya sa akin kaya napailing ako. “Iba talaga kapag tagapagmana,” sabi ko sa kanya. “Ikaw rin naman,” pabulong na sabi n’ya kaya nilingon ko s’ya at seryoso s’yang nakatingin sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang sinabi n’ya na ‘yon. “What do you mean?” tanong ko sa kanya. “Nothing, I need to leave,” sabi n’ya at muling ginulo ang buhok ko. Napailing na lang ako sa kanya at hinatid s’ya sa labas. “Thanks for the coffee,” nakangiting sabi ko sa kanya. “It was nice seeing you smile like that to me, sa susunod ‘yan na lang lagi kong ibibigay sa’yo para hindi mo ako nasusungitan” sabi n’ya at napailing ako. “Umalis ka na nga!” masungit na sabi ko pero nakatawa pa rin. “Bye,” sabi n’ya at umalis na. Isasara ko na sana ang pinto ng may kamay na pumigil sa akin at nag angat ako ng tingin kung sino ‘yon. Nanlaki ang mata ko ng makita s’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD