Ang init ng pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag kung ano ‘tong nararamdaman ko. Alam kong madami akong nainom pero nasa tamang wisyo pa naman ako. Sobrang bilis ng mga nangyari, I just want to pee when someone grab me and just kiss me out of nowhere. The guy that I’m kissing right now is no other than Thaddeus, ang lalaking ilang araw ko ng hindi nakikita. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto n’ya sa akin. Hindi ako malapit sa kanya pero bakit may kakaiba sa bawat haplos at halik n’ya na para bang ayokong bumitaw kahit na mali ito dahil hindi naman kami pwedeng dalawa.
I was enjoying our kiss when Abby’s face flashed in my mind at wala sa oras kong naitulak ang lalaking kahalikan ko ngayon. Mali ‘to! Hindi tama ‘tong ginagawa ko na ‘to. Without saying anything mablis akong lumabas ng comfort room.
“Lauren!” tawag n’ya sa akin pero hindi ko s’ya pinansin at mabilis na lumabas ng bar.
Hindi na ako nagpaalam kay Phoebe o kahit na hanapin ang kaibigan ko. Tama nga lang na hindi ako sumabay sa kanya papunta dito, kahit na nakainom ako ay nagdrive pa rin ako pauwi sa unit ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Hindi ito ang unang beses na naging malapit ako sa kanya ng ganon at hindi tama ‘tong nararamdaman ko na ‘to. I don’t have any intention na isa sa maging babae n’ya.
“Ang tanga mo Lauren!” naiinis na sabi ko sa sarili ko ng makapasok sa loob unit.
Hindi ko alam kung bakit ako nagpahalik sa tao na ‘yon in the first place! Tama lang ng alak ‘to kaya ko siguro ‘yon nagawa. Kung hindi ko s’ya natulak baka kung saan pa umabot ang lahat. I need to remind myself na tapos na ako sa kung ano man ang plano ko para kay Thaddeus dahil okay na sila ng kapatid ko. Wala ng dahilan para magkrus pa ang landas naming dalawa.
I’m not developing any feelings toward Thaddeus, wala akong gusto do’n sa tao saka wala akong balak magkaroon ng sakit ng ulo. Napabuntong-hininga na lang ako at inalis sa isipan ang nangyari. Itutulog ko na lang ‘to.
KINABUKASAN late na akong nagising dahil wala naman akong pasok ngayon pero hindi naging maganda ang gising ko ng bigla na lang sumulpot sa harap ng pinto ng unit ko ang umiiyak na si Abby na basta na lang pumasok sa loob kahit na hindi ko naman s’ya pinapapasok.
“Anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya.
Ngayon na lang s’ya lumapit sa akin pagkatapos ng ilang linggo na ibinalita n’ya sa akin na maayos na sila ng ama ng dinadala n’ya.
“I hate her so much!” galit na sabi n’ya at binasag ang vase sa lamesa.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa n’ya na ‘yon. She was about to break something again at bago pa n’ya mabalibag ng kung ano ang TV ko ay inawat ko na s’ya. Hindi na tama ‘tong pagwawala n’ya na ‘to.
“Abby tama na ‘yan!” mahinahon na sabi ko at inalo s’ya.
“Hindi ako papayag ate! Hindi pwede!” sabi n’ya at umiiyak pa rin habang yakap ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero ramdam kong tungkol ‘to kay Thaddeus at hindi ko nagugustuhan ‘tong inaasal ni Abby.
“Anong nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Itutuloy nila ang kasal ate, Thaddeus told me na hindi nya kayang panagutan ang dinadala ko dahil hindi naman daw s’ya ang ama nito. Mas mahal daw nya ang babae na ‘yon!” umiiyak na sumbong n’ya sa akin.
Napayukom na lang ako ng kamao dahil sa sinabi n’ya sa akin. Ang gulo ng tao na ‘yon. Last night he was just kissing me tapos ngayon tuloy ang kasal nila at wala s’yang balak panagutan ang kapatid ko. What a jerk!
“Si Thaddeus ba talaga ang ama n’yan?” wala sa loob na tanong ko sa kapatid ko.
Hindi ko rin alam kung bakit naitanong ko ‘yon sa kanya, kahit ako nabigla sa tanong ko.
“Pati ba naman ikaw nagdududa ka sa akin? Ate kilala mo ako, si Thaddeus lang ang gusto ko wala ng iba! S’ya ang ama nitong dinadala ko!” medyo pasigaw na sabi n’ya sa akin.
“Sorry, hindi ako nagdududa sayo. Kumalma ka muna at subukan mong kausapin si Thaddeus ulit,” sabi ko sa kanya.
“He won’t listen to me anymore. Isa lang ang sagot sa problema ko ate.” sabi n’ya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Kinabahan ako sa sinabi n’ya na ‘yon dahil alam ko na kung saan pupunta ‘tong usapan na ‘to.
“Abby” sambit ko sa pangalan n’ya.
“No matter what happened ate sirain mo ang kasal nila para sa akin! I want to see that woman suffer! Gusto kong naranasan n’ya ang nararanasan ko ngayon! Sirain mo ang kasal nila!” mariing sabi n’ya at humigpit lalo ang hawak n’ya sa kamay ko.
Sa mga binitawang salita ni Abby determinado s’yang siraiin ang kasal ng dalawa.
“Abby ayoko na!” sabi ko sa kanya.
Ayoko ng lumapit pa kay Thaddeus dahil alam kong ako ang mahihirapan makalayo.
“Ate may usapan tayo,” sabi n’ya sa akin.
“Alam ko ‘yon at natatandaan ko rin Abby na hindi na natin itutuloy ang plano mo dahil okay na kayo. Hayaan mo na lang si Thaddeus, you deserve someone else!” mariing sabi ko sa kanya.
“Hindi!” galit na sabi n’ya at mabilis na lumabas ng unit ko.
Sumasakit ang ulo ko sa kanya. “Abby!” tawag ko pero hindi n’ya ako pinansin.
Napaupo na lang ulit ako, wala akong lakas para habulin s’ya. Ayokong kunsintihin si Abby sa gusto n’yang mangyari ngayon.
Gusto ko man s’yang tulungan pero hindi pwede, ayokong makagawa ng bagay na pagsisisihan ko sa huli. Pumayag ako noong una dahil naawa ako sa kanya at s’ya ang iniisip ko pero ngayon gusto ko naman na unahin ang sarili ko kahit ngayon lang.
Sa oras na mapalapit ulit ako kay Thaddeus hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin. Ayokong malagay sa isang sitwasyon na ginawa ng nanay ko na hanggang ngayon ay ako ang nagdadala.