Dalawang linggong tahimik ang buhay ko simula ng magkaayos ulit si Abby at Thaddeus. Sa loob ng dalawang linggo na ‘yon gumaan ang pakiramdam ko at nawala kahit paano ang stress ko pero ramdam ko sa sarili ko na parang may kulang o may mali. Masyado akong nasanay na laging nandyan si Abby para kulitin ako, sa loob din ng dalawang linggo ay hindi ko na rin nakikita si Thaddeus. Mag-isa lang akong gumagawa ng proposal namin.
“Uy ang lungkot mo naman,” sabi ni Phoebe sa akin.
“Bakit naman ako malulungkot?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko alam sa’yo. Dalawang linggo ka ng tahimik lang at malalim ang iniisip ko. Mas nakakapanibago nga ang ikinikilos mo ngayon kesa noon na nandyan si Abby para guluhin ka.” sabi n’ya sa akin.
“Ang dami mo naman napapansin. Iniisip ko lang kung ano ng mangyayari pagkatapos natin maka-graduate,” sabi ko na lang sa kanya kahit na ang totoo hindi ko rin alam kung bakit wala ako sa sarili nitong nagdaan na dalawang linggo.
“Akala ko ba matagal ng nakaplano ang lahat ng gusto mo after natin maka graduate bakit ngayon iniisip mo ‘yan?” tanong n’ya sa akin.
“Wala lang, wala pa rin naman kasing kasiguraduhan kung magiging okay ang lahat diba. Ilang beses na akong gumawa ng proposal at nag survey ng lugar pero wala pa rin akong magustuhan.” sabi ko sa kanya.
“Sure ka na ba kasi d’yan sa gusto mo?” tanong n’ya sa akin.
“Oo naman,” sagot ko sa kanya.
“Sa ibang bansa talaga? Ayaw mo na ba dito?” tanong n’ya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Kung alam n’ya lang ang tunay kong dahilan kaya ayoko ng mag stay dito.
Matagal ko ng plano na magtayo ng negosyo at malayo sa pamilya ko. Malayo sa mga taong basura lang ang tingin sa akin. Graduation na lang ang iniintay ko at konti na lang makakalaya na talaga ako.
I’ve been searching for places kung saan ako magsisimula ng panibagong buhay at alam kong hindi madali dahil limited lang naman ang resources ko. Hindi ako mayaman at ung ipon ko sapat lang para sa akin at sa isang maliit na negosyo na gusto kong itayo. I’m planning to start a new life sa Singapore sana pero wala pa rin kasiguraduhan kung doon nga ako mapapadpad.
Sinubukan ko na rin mag apply sa mga international company at nag-iintay na lang ako ng feedback nila. Tiwala naman ako sa sarili ko at alam kong papasa ako sa qualification nila ang iniisip ko lang ang hakbang nagagawin ng ama ko kapag nalaman n’ya ang plano ko. Alam kong hindi s’ya matutuwa sa plano ko.
Gusto n’yang magtrabaho ako sa kompanya namin at tulungan s’ya pero hindi para sa akin ang posisyon na gusto n’yang ibigay. Alam kong isang malaking pagtatalo at gulo ang papasukin ko kung papayag ako sa gusto ng ama ko. Si Abby lang ang may karapatan sa kompanya na ‘yon. Sampid lang ako sa pamilya nila at wala akong karapatan sa kahit anong meron sila.
Nanlilimos lang ako ng pera, atensyon at pagmamahal sa sarili kong ama.
“Tulala ka na naman sis, ano ba talaga nangyayari sayo?” tanong n’ya ulit sa akin.
“Wala nga.” sagot ko sa kanya.
“Mag bar na lang tayo mamaya para naman hindi kung anu-ano iniisip mo d’yan at para sumaya ka naman kasi ilang araw ka ng nagkukulong lang sa unit mo!” sabi n’ya sa akin at bahagya akong tinulak.
“Phoebe madami pa akong dapat asikasuhin,” sabi ko sa kanya kaya napairap s’ya.
“Lauren unang-una sa lahat tapos na tayo sa mga school works at announcement na lang ng latin honors at final candidates for graduation ang iniintay natin kaya pwede tigilan mo ako sa mga palusot mo kasi hindi uubra sa akin ‘yan.” sabi n’ya.
“Totoo naman na may mga kailangan ang tapusin, parang wala kang alam.” Sabi ko sa kanya at napabuntong-hininga s’ya.
“Lauren naiintindihan naman kita na gustong gusto mo ng umalis ng bansang ‘to pero mag enjoy ka naman muna please!” mariing sabi n’ya sa akin.
Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga at tumingin sa kanya. May point naman s’ya at wala namna sigurong mawawala kung mag e-enjoy ako ng isang gabi lang.
Tahimik naman na ang buhay ko sa ngayon dahil walang Abby na nang-iistorbo sa akin, hindi rin ako kinukulit ng ama ko.
“Sige, payag na ‘ko!” sabi ko sa kanya at napatalon naman s’ya sa tuwa.
“Yes! Mag meet tayo sa bar mamaya ah” sabi n’ya sa akin.
“Teka hindi tayo sabay?” tanong ko sa kanya.
“Pwede naman pero kilala kita alam kong maaga kang uuwi kesa sa akin,” sabi n’ya.
“Ikaw ‘tong nagyaya sa akin pero wala pa tayo sa bar ramdam ko ng iiwan mo akong maisa do’n.” sabi mo sa kanya.
“Hindi sa ganon friend pero sige, I promise na hindi ako mawawala sa tabi mo later kahit na madaming pogi sa bar!” sabi n’ya sa akin kaya napailing na lang ako.
We ended up having our separate ways, mas okay na rin na magdala ako ng sariling sasakyan papunta sa bar kesa naman kasama ko si Phoebe at abutin ako ng umaga. Nauna s’ya sa akin do’n at ako gumagayak pa lang ngayon papunta sa bar.
Nang matapos ako ay bumaba na ako para umalis.
Kailangan ko rin naman mag unwind kahit saglit lang and to celebrate na rin siguro na wala na akong dapat pang intindihin sa problema ng kapatid ko.
Maingay na paligid ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob at kahit na medyo madilim ay nagawa ko pa rin makita kung nasaan si Phoebe.
“Sis!” sigaw n’ya ng lumapit ako sa kanya.
“Let’s have some fun!” sabi mo sa kanya at ngumiti.
“Ganyang Lauren ang gusto ko!” masiglang sabi n’ya at hinila ako palapit sa mga kasama n’ya kanina.
Hindi sila gaanong pamilyar sa akin pero ung iba kilala ko na. We just hang out with them and I have a few shot bago magyaya ulit si Phoebe na magsayaw sa dance floor. Ayoko pa sana pero wala akong nagawa ng hilahin na lang n’ya ako sa gitna.
We both enjoy the crowd and I started to dance. Wala na rin akong pakielam sa paligid ko dahil sa araw na ‘to, kahit sa araw lang na ‘to gusto kong maging masaya.
“Cheers sis!” sabi ni Phoebe at may inabot na alak sa akin.
Kinuha ko ‘yon sa kanya at ininom. Not minding the crowd and I start to dance again. Wala pa naman akong tama dahil konti pa lang ang naiinom ko pero alam kong mamaya dapat tumigil na ako sa pag inom.
I was looking for Phoebe para sana magpaalam na kailangan ko lang mag restroom pero hindi ko na s’ya makita kaya naman hinayaan ko na lang at umalis na ako sa dance floor. I went to the restroom and found myself in the cubicle kissing someone torridly out of nowhere.