Chapter 14 - Lauren POV

1056 Words
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na kaharap ko ngayon ang kapatid ko o maiinis ako dahil sa ibinabalita n’ya sa akin. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon. Ang bilis magbago ng isip n’ya at bukas hindi ko alam kung ito na ba talaga ang huling desisyon n’ya. “Thaddeus is talking to me again ate? He started to approach me again!” masayang sabi n’ya habang ako wala sa sarili at iniisip ang naudlot na tulog sa ginawa n’yang pag pasok na lang dito sa unit ko. “Are you listening to me ate?” tanong n’ya sa pa sa akin ng mapansin na wala ako sa sarili. Nakatitig lang kasi ako sa kanya. Ginising n’ya lang ako at kulang pa talaga ang tulog ko kaya hindi pa nagpoproseso ng maayos sa akin ang sinasabi n’ya sa harap ko ngayon. Bukod sa kabisado ko na s’ya alam ko rin na mabilis magbago ang isip n’ya. “Can you let me sleep for a couple of hours Abby!” sabi ko sa kanya. Dahil ‘yon naman talaga ang totoo. Kailangan kong matulog! Kailangan kong magpahinga. Kulang pa ako sa pahinga pero nandito na naman s’ya nambubulabog. “Lauren this is important okay! Ako muna unahin mo bago ka matulog, alam mo naman na kailangan kita!” sabi n’ya at pinagtaasan ko s’ya ng kilay dahil do’n. Wala akong ibang inuuna kung hindi s’ya at mukhang hindi pa pala n’ya ramdam ‘yon. “You want me to stop bothering Thaddeus dahil kinakausap ka na n’ya and I get the point Abby. Tapos na ung pinapagawa mo sa akin,” walang ganang sabi ko sa kanya. “But you need to get rid of that girl!” sabi n’ya kaya kumunot ang noo ko. Ang gulo n’yang kausap sa totoo lang. Kanina n’ya pa sinasabi na okay na sila ni Thaddeus at wala ng kasal na pipigilan pero bakit gusto n’ya pang pakielamanan ko si Lizzy eh wala na nga sa picture ung tao kung okay na pala sila ni Thaddeus. “What do you mean?” tanong ko sa kanya. “Get rid of her!” mariing sabi n’ya. “Ang usapan natin pigilan ang kasal nilang dalawa bakit kailangan kong pang gawin yang gusto mo na wala naman sa pinag-usapan natin. Why would I get rid of someone na wala na sa picture dahil okay na kayo ni Thaddeus?” tanong ko sa kanya. “I don’t want her to get in our way, alam kong gagawa ‘yon ng paraan para matuloy ang kasal nila. Okay na kami ni Thaddeus ate, he is talking to me na ulit and I can feel na he wants our baby na kaya hindi ako papayag na pumasok pa ulit sa eksana yang Lizzy na ‘yan kaya you need to get rid of her for me,” sabi n’ya sa akin. “Hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong gawin ko? Ipadala sa ibang bansa si Lizzy o hanapan ng boyfriend ung tao?” napapairap na tanong ko sa kanya. “I want you to get rid of her, I want you to erase her in this world.” walang emosyon na sabi n’ya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi n’ya. Nababaliw na ba s’ya? Sa gusto n’yang mangyari para lang akong papatay ng lamok! Gusto n’yang pumatay ako ng tao! “Are you out of your mind Abby?” tanong ko sa kanya at napatayo na sa upuan. Kanina wala pa ako sa sarili ko pero ngayon nagising diwa ko dahil sa sinabi n’ya. Kung makapag-utos s’ya parang papatay lang talaga ng insekto. “Ate I’m dead serious! Ayoko lang na maagaw pa si Thaddeus sa akin!” sabi n’ya sa akin. “You want me to kill someone dahil lang sa isang lalaki!” hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. “I’m sorry ate, nabigla lang naman ako. I didn’t mean na pumatay ka,” sabi n’ya sa akin. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kung ‘yon ang gusto n’yang ipagawa sa akin. Wala akong balak makulong at wala akong balak manakit ng ibang tao. Kapatid ko s’ya pero ibang usapan na kapag labag sa batas ang gusto n’yang ipakiusap sa akin. “Abby sa susunod ‘wag kang magsasalita ng ganon, someone might misinterpret what you mean. Hindi biro ung sinabi mo na ‘yon!” naiinis na sabi ko sa kanya. Wala na nga akong matinong tulog tapos hihiritan pa n’ya ako ng ganyan. “I’m sorry ate, just please keep an eye on her na lang for me. Ako na muna bahala kay Thaddeus, I’ll update you about our situation and please update me lalo na at magkasama kayo ni Thaddeus sa isang project,” sabi n’ya sa akin. “Okay,” walang ganang sabi ko para naman matapos na ‘tong usapan na ‘to dahil inaantok na ako. Ilang linggo na akong kulang sa tulog at gusto ko na talagang magpahinga, sa tuwing may pagkakataon na makapagpahinga ako saka naman sila eepal para bwisitin ako. “Thank you ate, I’m really so lucky dahil nandyan ka lagi para sa akin.” sabi n’ya at niyakap pa ako. “Bukas na lang ulit tayo mag-usap, I just need to rest.” sabi ko sa kanya at kumawala sa yakap n’ya. “Okay ate, take care!” masiglang sabi n’ya at umalis na. Hindi ko na s’ya hinatid pa at bumalik na lang ako sa kwarto ko para muling matulog. I badly need to rest, ramdam ko ng magkakasakit ako kapag hindi ko ipinahinga ‘tong katawan ko. Kailangan kong alagaan ang sarili ko dahil wala naman ibang mag aalaga sa akin kung hindi ako lang din. Sanay naman na ako. Sino ba naman kasing may gustong magpahalaga sa isang tulad ko, wala naman. Lumaki akong walang nag-aaruga sa akin kaya ano pang silbi ng hanapin ko ‘yon ngayon. Sanay akong nakakakuha lang ng limos na atensyon sa mga magulang ko noon kaya ngayon ayoko na. Pagod na ako sa kanila, pagod na pagod na ako sa kanilang lahat . Matapos lang talaga ako sa pag aaral ko hindi na nila ako makikita. Konting tiis na lang at makakalaya na ako sa isang hawla na hindi ko naman ginusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD