Chapter 13 - Lauren POV

1172 Words
Kailangan kong makakuha ng sagot mula sa kanya tungkol sa kung anong relasyon ang meron sa kanila ng kapatid ko. Hindi naman ako papayag na madehado si Abby, kapatid ko pa rin si Abby at dapat ko s’yang protektahan kahit anong mangyari lalo na ngayon na buntis s’ya at si Thaddeus ang ama base sa sinabi n’ya sa akin. May tiwala naman ako sa kapatid ko at alam kong hindi n’ya ako lolokohin. Sa lahat ng tao si Abby ang pinakahuling iniisip ko na magtatraydor sa akin hindi dahil sa kapatid ko s’ya. Si Abby kasi ‘yung unang taong tumanggap sa akin simula ng pumasok ako sa buhay ng ama, sa mundong ‘to. Kahit kelan hindi s’ya nagpakita ng masama sa akin, hindi n’ya ako hinusgahan kahit na alam n’yang bunga ako ng pagkakamali ng ama n’ya. Madaming naitulong sa akin si Abby at gaano na lang ba ‘tong gagawin ko na ‘to para sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Thaddeus dahil iniintay ko kung ano ang isasagot n’ya sa akin. Gusto kong marinig sa kanya mismo kung ano ba ang relasyon nila ng kapatid ko. Mahal s’ya ni Abby at ano ba si Abby sa buhay n’ya lalo na ngayon na mayroong Lizzy sa buhay n’ya na sinasabi n’yang mahal n’ya at papakasalan n’ya. “Bakit mo tinatanong sa akin ‘yan Ms. Alfaro?” tanong n’ya sa akin. “Answer my question first Mr. Enriquez,” sabi ko sa kanya. “As far as I remember gumagawa tayo ng proposal project at hindi kasama ang personal kong buhay sa ginagawa natin. I am a private person Lauren at alam kong alam mo ‘yan.” Sabi n’ya sa akin kaya napabuntong-hininga ako. “Sorry sa pakikielam, hindi nga pala tayo close.” Sabi ko sa kanya. “Madami kang gustong malaman sa personal kong buhay Lauren, are you a stalker?” tanong n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. “Thaddeus hindi ako stalker, curious lang naman ako dahil kaibigan ko si Abby saka bakit naman kasi s’ya hahanapin ng fiancé mo kung wala kang ginawang kalokoha diba.” Sabi ko sa kanya. “I don’t have any idea kung bakit gustong makausap ni Lizzy si Abby. Wala akong ginagawang kalokohan aside from kissing you last night,” sabi n’ya sa akin kaya napaayos ako ng upo. “Pwede bang ‘wag na lang natin balikan ang kung ano ung nangyari kagabi, lasing ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. Iisipin ko na lang na lasing ka rin kaya mo nagawa ‘yon at hindi na ‘yon mauulit pa. Hindi ako pumapatol sa taong may mahal ng iba!” mariing sabi ko sa kanya. Tiningnan n’ya ako saka s’ya ngumiti sa hindi ko malamang dahilan kaya napakunot ang noo ko. “Lasing ka nga pero ang linaw sayo ng mga nangyari, hindi kaya ginusto mo rin ‘yon Lauren at kaya ka nagtatanong sa personal kong buhay ay dahil may gusto ka sa akin?” tanong n’ya na ikinalaki ng mata ko. Hindi ako kahit kelan magkakagusto sa isang taong walang puso. “Pasensya na kung tatapakan ko ang ego mo Thaddeus pero wala akong gusto sa’yo. Hindi ako magkakagusto sa katulad mo,” walang prenong sabi ko sa kanya. “Then stop asking me about my personal life,” sabi n’ya sa akin. “Hindi naman na kita tinatanong diba, ikaw itong nag open up ng topic ng nangyari kagabi!” naiinis na sabi ko sa kanya. “Wala pang isang buwan ng magkakilala tayong dalawa pero ang dami mo na laging tanong tungkol sa personal na buhay ko. Hindi open book ang buhay ko Lauren at alam kong ganun ka rin. Hindi kita pinapakielamanan sa buhay mo kaya sana ganun ka rin sa akin not unless may gusto kang mangyari,” sabi n’ya sa akin. Halata na masyado ‘tong ginagawa ko para kay Abby. No one can blame me, gusto ko lang naman matapos na ang problema na ibinigay sa akin ng kapatid ko. “Sorry kung ‘yan ang dating sa’yo. Curious lang kasi ako kung bakit lahat ng tao ilag sa’yo pero gusto ka pa rin.” pagdadahilan ko sa kanya. “They don’t like me, ang gusto lang nila sa akin ay ung pagiging sikat ko at dahil anak ako ng mga magulang ko. Nothing more,” sabi n’ya sa akin. Hindi ako naniniwala sa sinabi n’ya. Gusto s’ya ng tao dahil magaling s’ya sa lahat ng bagay. Academics, Sports, Business and a lot of things pero hindi ‘yon ang dahilan kung bakit ko s’ya gustong kilalanin. Aaminin ko hindi lang dahil inutos ni Abby na sirain ko ang kasal n’ya kaya ko gustong malaman lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Curious talaga ako sa pagkatao s’ya simula ng una ko pa lang s’ya makita sa campus. “Parang hindi naman ganon ang napapansin ko Thaddeus,” sabi ko sa kanya. “So, inoobserbahan mo ako?” tanong n’ya. “Napapansin ko lang at ‘wag kang feeling d’yan baka isipin mo na naman gusto kita!” sabi ko saka s’ya inirapan. “Kasi ayaw mong tumigil,” sabi n’ya sa akin. At ako pa talaga ang mukhang mababaliktad dito. Hindi sumagi sa isip ko na magkagusto sa kanya at ung nangyari kagabi kasalanan n’ya ‘yon kasi alam naman n’yang lasing ako pero hinalikan pa rin n’ya ako. Wala ako sa tamang pag iisip ko ng mga oras na ‘yon. “Kung wala na tayong pag-uusapan tungkol sa proposal baka pwede na akong umalis dahil gusto ko ng matulog,” sabi ko sa kanya. “Masyado mo ata akong iniisip kaya hindi ka makatulog,” hirit pa n’ya sa akin kaya tumayo na ako at nilayasan s’ya. Akala ko ba isa s’yang cold-hearted guy? Ung tipong wala s’yang pakielam sa paligid n’ya at bukod pa do’n masungit s’ya. Ung Thaddeus na kilala ko at kilala ng lahat ay ung walang kibo pero kabaliktaran ‘yon ng kausap ko kanina, hindi lang kanina dahil tuwing kasama ko si Thaddeus ibang iba talaga s’ya. Bumalik na lang ako sa unit ko at nagpahinga. Sa dami ng nangyari ngayong araw na ‘to deserve ko naman sigurong matulog kasi wala pa akong pahinga. Nag off ako ng cellphone ko para makasiguradong walang makakatawag sa akin, baka maloka na ako kung si Abby ang sumunod na makausap ko. Iniisip ko pa rin kung paano ko gagawin ang gusto n’ya. Sinigurado ko rin na naka-lock ang pinto ko at patay lahat ng ilaw, pinalitan ko rin ang passcode ng pinto ko para hindi ako mapasok ni Abby kung sakali. Ayoko muna silang makausap lahat. Sarili ko muna ngayong gabi ang uunahin ko, maawa naman sila sa akin. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan kong hilahin ako ng antok. Pahinga ang kailangan ko kaya ito ang ibibigay ko sa sarili ko. Bukas ko na iisipin lahat ng mga problemang binibigay nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD