Chapter 12 - Lauren POV

1267 Words
“Dad saka na lang tayo mag-usap, walang patutunguhan ‘tong pag-uusap nating dalawa eh.” Sabi ko na lang sa kanya at binuksan ang pinto. “Lauren considers my offer,” sabi n’ya at umalis na. Spare tire lang talaga ako sa panginin ng ama ko. Kapag hindi pwede si Abby saka n’ya lang ako maaalala. Naging anak n’ya lang ata ako para maging reserba kapag hindi pwede ang legitimate daughter n’ya. Sabagay wala naman alam ang mga tao na anak ako ng nag iisang Lazaruz Villaruz. Ang alam ng tao ay isa lang ang anak n’ya at si Abby ‘yon at ako, kaibigan lang ako ni Abby. Lumalabas na sidekick ng sarili kong kapatid, minsan nga alalay pa kapag nandyan si tita Klaire. Iyan ang role ko sa buhay nila, sa buhay ng sarili kong ama. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni dad ay nagkulong na lang ako sa loob ng kwarto ko. Nawalan na ako ng gana saka nakakapagod din kasi. Hindi ko na rin pinakinggan pa kung ano man ang sasabihin ni dad dahil paulit-ulit lang naman at wala ng nagbago. Lalo lang akong hindi makakapagpahinga dito, pagod ako pero mahihirapan ako dito sa unit ko kaya napagdesisyonan kong lumabas na lang at magpahangin sa may garden area sa rooftop. Dala ko ang Ipad ko para tapusin ang ilang requirements na kakailanganin ko kapag nagtrabaho na ako. Alam ko naman kasi na kulang na kulang pa ang ipon ko kung magtatayo man ako ng negosyo. Nasabi ko lang naman kay dad na gusto kong magkaroon ng sarili kong negosyo para hindi na n’ya ako kulitin na magtrabaho sa kumpanya nila. Ang presko ng hangin dito sa rooftop at tama lang ang desisyon ko na dito pumunta ngayon. Wala naman halos tayo dito ng ganitong oras. Nagpunta ako sa dati kong pwesto kung saan walang makakaistorbo sa akin pero natigilan ako ng may taong naka pwesto ngayon do’n. Hindi ko talaga araw ngayon. Akmang tatalikod na ako para umalis ng tawagin n’ya ako “Kanina pa kita iniintay tapos aalis ka lang ng walang paalam,” sabi n’ya sa akin kaya muli ko s’yang hinarap. “Bakit mo naman ako kailangan intayin?” tanong ko sa kanya. Ala naman kasing point para intayin n’ya ako dito. “Sinabi ko naman sayo kanina na may pag-uusapan tayo tungkol sa project diba,” sabi n’ya sa akin at nawala na sa isip ko ‘yon. “Sorry ah, hindi ko naman kasi alam na dito pala ung usapan natin. Nakakahiya naman kasi sa’yo dahil bigla ka na lang umalis ng hindi sinasabi kung saan ang meeting place. Malay ko ba kung seryoso ka sa sinasabi mo,” sabi ko sa kanya at inirapan s’ya. “Seryoso ako sa mga sinasabi ko Lauren, hindi ako mapagbirong tao.” Seryosong sabi n’ya sa akin. “Well then simulan na natin,” sabi ko na lang sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa tapat n’ya para makapagsimula na kami ng gagawin namin. Hindi naman na s’ya kumontra pa at ginawa na namin ang project na dapat naming gawin. Mayroon na lang kaming isang linggo para tapusin ‘to pero kaya naman dahil simple lang naman ‘tong proposal. May mga idea naman na ako na pwede naming gamitin at okay naman sa kanya ‘yon. “Do you want coffee?” tanong n’ya sa akin at tumango lang ako sa kanya. Tumayo s’ya at naka focus lang naman ako sa harap ng IPad ko para i-edit ang ibang outline. Hindi nagtagal ay bumalik na rin s’ya na may dalang kape. “Thanks,” sabi ko sa kanya at ininom ‘yon. In fairness alam n’ya ang gusto ko. “You met Lizzy a while ago,” sabi n’ya sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. Hindi tanong ‘yon. “Yes, may problema ba?” tanong ko sa kanya at umiling s’ya. “Nothing,” sagot n’ya sa akin at napatango na lang ako. “She’s beautiful,” wala sa loob na sabi ko at napangiti s’ya. “I know and she’s more than that,” sabi n’ya pa. Inihinto ko ang ginagawa ko at tinitigan s’ya. “Mahal mo?” tanong ko sa kanya. “What do you think?” tanong n’ya sa akin. Nagkibit-balikat ako “Ikaw ang makakasagot n’yan hindi ako,” sabi ko sa kanya. “I love her so much. Hindi ko s’ya gugustuhin makasama habang buhay kung hindi,” sagot n’ya sa akin. “Alam mop ala ang salitang mahal Thaddeus,” sabi ko sa kanya. “Of course, Lauren.” sabi n’ya sa akin. “Alam mo nga pero katulad ka rin ng ibang lalaki,” sabi ko sa kanya. Natawa s’ya sa sinabi ko. “Seryoso ako sa taong mahal ko kung ‘yan ang iniisip mo,” sabi n’ya sa akin kaya napailing ako ng wala sa oras. “Then why did you kiss me?” walang prenong tanong ko sa kanya. Napangiti s’ya sa tanong ko kesa magulat. “So, you remember what happened last night,” sabi n’ya sa akin. “Ano sa tingin mo?” tanong ko sa kanya. “Nothing, you have a kissable lip.” Sabi n’ya pa. “Cheater,” sabi ko sa kanya. “Kissing you doesn’t mean I cheat,” sabi n’ya sa akin. “Ang pakikipaghalikan sa iba bukod sa girlfriend mo ay form of cheating na ‘yon Thaddeus, kung talagang mahal mo si Lizzy hindi mo gagawin ‘yon. Talaga bang gusto mong pakasalan ang girlfriend mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti s’ya sa akin at sumandal sa inuupuan n’ya “Simula ng magkakilala tayo ‘yan na ang tanong mo sa akin, bakit parang sobrang interesado ka sa buhay ko? lalo na sa pagpapakasal ko kay Lizzy?” tanong n’ya sa akin na ikinatigil ko saglit. “Hindi ako interesado sa buhay mo Thaddeus at hindi ko rin alam kung bakit sa akin lumapit ang fiancé mo para lang makausap si Abby,” sabi ko sa kanya at tiningnan ko ang reaksyon n’ya ng mabanggit ko ang pangalan ng kapatid ko. “Anong kailangan n’ya kay Abby?” tanong n’ya sa akin. “Hindi ko alam Thaddeus at kilala mo nga pala ang kaibigan ko,” sabi ko sa kanya. “Sinong hindi makakakilala kay Abby, Lauren. Everybody knows her as a spoiled brat and party girl,” sabi n’ya sa akin. “Abby is nice at sa tingin ko alam mo rin ‘yon,” sabi ko sa kanya. Ngayon lang namin pag-uusapan ang kapatid ko. “You’re her friend kaya mo ‘yan nasasabi pero wala kang alam,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. “Nothing,” sabi n’ya sa akin. “Ung totoo Thaddeus, anong alam mo tungkol kay Abby?” tanong ko sa kanya. “Mas kilala mo s’ya kesa sa akin Lauren, kaibigan mo s’ya. All I know is that she is the heir of the Villaruz, kaya n’yang makuha lahat ng gusto n’ya.” Sabi n’ya sa akin at tama naman s’ya do’n. “Do you have a relationship with her?” tanong ko sa kanya. “What do you mean?” tanong n’ya sa akin. “Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni Abby?” walang prenong tanong ko sa kanya at tinitigan s’ya. I want to know everything about them. Gusto ko ng hanapan ng butas ang relasyon nila ni Lizzy ng matapos na ‘tong problema ko sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD