Tahimik ang buhay ko sa loob ng dalawang linggo, walang Abby na nambubulabog dahil busy s’ya sa kompanya. I was also busy sending reports and doing my job for my dad. And one last week and I’m saying goodbye to the university. I can go back to the province at last.
Maka-graduate lang naman ang usapan namin ng ama ko, hanggang do’n na lang ang obligasyon n’ya sa akin at unti-unti ko rin naman nababayaran lahat ng ginastos n’ya sa akin sa pagtatrabaho ko sa kompanya n’ya na para bang ako ‘yung papalit sa pwesto n’ya. Tanggap ko naman ang lugar ko sa buhay nila, isa lang akong palamunin na dapat magtrabaho ng walang hinihintay na kapalit dahil sa pagpapaaral nila sa akin.
“Lauren, I need your help please!” Sabi ni Abby na kakapasok lang sa loob ng condo ko.
Kasasabi ko lang kanina na tahimik ako na wala s’ya pero ngayon ito na s’ya agad. She was crying at para s’yang basang sisiw.
“What happened?” tanong ko sa kanya.
“Thaddeus is getting married; I need him in my life Lauren. Hindi pwedeng mawala s’ya sa buhay ko. The marriage should not take place.” Sabi n’ya sa akin at naghihisterikal na.
“Abby calm down please,” sabi ko sa kanya at pilit s’yang pinapakalma.
“Mababaliw ako kapag nawala si Thaddeus sa akin,” sabi n’ya pa sa akin.
“Abby he is getting married, you should move on. If you don’t want the child, I will raise him/her,” sabi ko sa kanya pero umiling s’ya.
“I want Thaddeus. I need him, Lauren. Hindi ako papayag na mapunta s’ya sa iba. I want him!” mariing sabi n’ya.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Abby. Hindi s’ya ganito sa mga bagay na gusto n’ya lalo na kapag hindi n’ya ‘to makuha. Ibang Abby ang nakikita ko ngayon sa harap ko.
“Abby ikakasal na ‘yung tao,” sabi ko sa kanya. “You’re not surprise, do you something about it?” tanong n’ya sa akin.
“I heard that he is getting married, it was already the talk of the town.” Sabi ko sa kanya. Umiling s’ya at nagsimula na naman umiyak. Akmang susuntukin n’ya ang tiyan n’ya pero napagilan ko agad s’ya. “Abby please stop,” sabi ko sa kanya.
Pilit ko s’yang pinapakalma hanggang sa nakatulog s’ya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya at gustuhin ko man na tawagan si Dad ay hindi pwede. Paniguradong mapapagalitan lang si Abby at baka may mangyari pang hindi maganda.
Ano pa bang magagawa namin kung ikakasal na ang taong gusto n’ya. I was also shocked to know that Thaddeus was already engage at ang balita pa long-time girlfriend n’ya raw ‘yon.
Iniwan ko muna si Abby sa loob ng condo ko at lumabas ako para bumili ng makakain naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko s’ya matutulungan sa gusto n’yang mangyari.
Napabuntong-hininga na lang ako, I was spacing out through while walking kaya hindi ko na napansin na may nasagi na pala ako.
Masyado akong naapektuhan ng nangyayari kay Abby. Hindi dapat ako ganito, I should relax myself and focus on my goal. Sa tuwing lumalapit si Abby sa akin puro na lang s’ya ang inuuna ko.
Nang makabili ako ng pagkain namin ay bumalik na rin ako sa unit ko at natigilan ako ng makita ko si Thaddeus sa loob ng elevator. Nag aalangan pa sana akong pumasok pero wala naman akong choice at baka gising na si Abby, baka kung ano pa gawin no’n sa sarili n’ya.
“You lived here?” tanong ko sa kanya. I was not planning to talk to him pero para sa kapatid ko gagawin ko. I might convince him somehow.
“Yes.” Simpleng sagot n’ya sa akin. Paano ko ba ‘to makakausap?
Hindi ko alam kung paano ko ioopen up ang topic tungkol kay Abby. “Do you need anything?” tanong n’ya sa akin.
I was about to say something ng bumukas ang pinto ng elevator at pumasok do’n ang isang babae. “Babe,” sabi nito kay Thaddeus at mabilis na dinaluhan ang lalaki.
How can I talk to him about my sister’s situation kung kasama n’ya ang fiancée n’ya.
They love each other, I can see that.
Hindi na lang ako nagsalita at lumabas na lang ako ng elevator ng makarating ako sa floor ng unit ko. And when I open my door, Abby was already awake.
“Are you okay now?” tanong ko sa kanya at bahagya s’yang tumango. “That’s good, let’s eat first then talk about your plan on how we can tell your parents about your situation.” Sabi ko sa kanya.
“Ruin the wedding for me,” biglang sabi n’ya na nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.
“Ano?” tanong ko sa kanya.
Baka kasi nabingi lang ako sa sinabi n’ya at namali ng rinig.
“I saw you at the event talking to him with Argus and I think you can do something for me, I think you can tame him for me.” Sabi n’ya sa akin.
“Abby I can’t do that; you need to accept that he will get married to the woman he loves.” Sabi ko sa kanya.
Hindi ko sisirain ang relasyon ng ibang tao, I can’t do that. Ayokong gawin ang ginawa ng magulang ko.
“Lauren please, he lives here in the same building. Ikaw lang ang matatakbuhan ko. Please Lauren, isipin mo naman ako, kapatid moa ko at alam kong magagawan mo ‘to ng paraan. Please Lauren, you can help me with this. Hindi ko kayang magkatuluyan sila ng babae na ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
“Abby hindi ka naman n’ya mamahalin kahit na maghiwalay sila? Saka Abby hindi ko kayang gawin ‘yon. Alam mo naman ang nangyari sa mga magulang mo. Ayokong sumira ng relasyon ng iba,” sabi ko sa kanya.
“Just stop the wedding for me please, ako ng bahala sa magiging resulta no’n. Convince Thaddeus, only him can stop the wedding or that woman. Do anything to ruin them please. Mamatay ako Lauren kapag nagkatuluyan silang dalawa. That girl stole Thaddeus, akin naman talaga si Thaddeus in the first-place kaya nga kami magkakaanak pero inagaw n’ya sa akin ang lalaking mahal ko! Kaya dapat lang na hindi matuloy ang kasal nila. Alam mo naman na isang lalaki lang ginusto ko Lauren. Okay naman kami ni Thaddeus eh, please Lauren help me!” nagmamakaawang sabi n’ya sa akin.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko ngayon dahil sa pinagsasabi ni Abby sa akin. Kaya kong gawin lahat ‘wag lang ang pinapagawa n’ya sa akin na ‘to. Hindi ba n’ya naisip ang hirap na pinagdaanan ng mommy n’ya saka ayokong gawin ang pagkakamaling ginawa ng ina ko. Ayokong may masaktan sa isang kasalanan na gusto n’yang ipagawa sa akin.
“I’ll kill myself Lauren if you won’t help me, it will be better if I do that kesa naman malaman ng lahat na buntis ako at makita kong kinakasal sa iba ang lalaking mahal ko!” sigaw n’ya at nanlaki ang mata ko ng bigla s’yang maglabas ng kutsilyo.
“Abby please calm down,” sabi ko sa kanya. “Please Lauren, I need a lot of things for you. Ngayon lang please, bilang kapatid mo gawin mo ang gusto ko. Ruin their wedding for me please, kaya mo naman ‘yon gawin. Kilala kita Lauren, wala kang hindi kayang gawin. Please do it for you sister. Lahat ginawa ko for you Lauren please do this for me,” sabi n’ya sa akin habang umiiyak.
Umiiyak na rin ako sa harap n’ya. Mahal ko s’ya dahil kapatid ko s’ya pero ‘yung pinapagawa n’ya kasi sa akin hindi madali. Buhay ng ibang tao ang gusto n’yang ipasira sa akin, kaligayahan ng ibang tao ang pinag-uusapan dito pero kapatid ko s’ya at ayokong nakikita s’yang nagkakaganyan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiipit ako sa gitna.
“Lauren please,” nagmamakaawang sabi n’ya sa akin.
Ang laki ng utang na loob ko kay Abby, at ito na nga siguro ang kabayaran ko sa lahat ng utang ko sa kanya. Sa pagtanggap n’ya sa akin bilang kapatid at sa pagpapatawad n’ya sa akin sa nagawang kasalanan ng nanay ko sa pamilya n’ya.
“I-I’ll h-help you,” nahihirapang sabi ko.
I don’t want to do this but for my sister I will.
Gagawa ako ng isang kasalanan para sa kapatid ko.
I will ruin Thaddeus Gavin Enriquez happiness.