Chapter 6 - Lauren POV

1064 Words
“Really? Pumapayag ka na?” hindi makapaniwalang sabi n’ya sa akin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na pumayag ako sa gusto n’ya. Ayoko naman talagang gawin ang hinihiling n’ya pero ano ba ang choice ko. “Para sa’yo gagawin ko pero Abby hindi ko kayang ipangako na magiging kayo kapag nasira ko silang dalawa,” sabi ko sa kanya. “Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para do’n. Ang importante ay mawala sa landas namin ang babaeng ‘yon. Do what ever it takes to ruin their wedding. I will provide everything you need. Kakausapin ko si dad na hayaan ka ng umalis sa kompanya tulad ng gusto mo, just ruin them.” Sabi pa n’ya at hinawakan ang mga kamay ko. “Abby wala kang dapat gawin para sa akin, tulad ng sabi mo kapatid kita at ayokong nakikita kang nagkakaganyan dahil lang sa isang lalaki. Please Abby huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli,” sabi ko sa kanya. “Alam ko naman, hindi ko lang talaga kayang wala si Thaddeus sa buhay ko” sabi n’ya sa akin at niyakap ako. Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gusto n’ya. Ayokong maranasan ng ibang tao ‘yung paghihirap na pinagdaanan ko lalo na ng pamilyang sinira ng nanay ko pero ayoko rin na makitang nasasaktan ang kapatid ko. Sa ngayon si Abby na lang muna ang nasa isip ko, alam kong kailangan n’ya ako. Mali ang gagawin ko at isang malaking kasalanan ito pero sa huli ko na iisipin ang lahat. Hindi pa naman sila kasal at sana lang magtagumpay si Abby sa gusto n’ya dahil ayokong makitang parehas silang nagdudusa ng taong mahal na mahal n’ya. “I need to go, call me kapag okay na ang lahat. Thank you so much for this sis.” Sabi n’ya at niyakap ako bago s’ya umalis. Napasandal na lang ako sa upuan ng makaalis s’ya. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gustong mangyari ng kapatid ko. Hindi kami close ni Thaddeus at higit sa lahat hindi ko kayang manira ng relasyon ng iba. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko gagawin ang ginawa ng ina ko, hindi ako gagawa ng bagay na alam kong makakasakit ng ibang tao pero hindi ko rin kayang mawala ang taong tumanggap sa akin ng buo. Sobrang laki ng utang ko kay Abby sa lahat ng ginawa n’ya para sa akin. Hindi ko makakalimutan ang unang araw na ipinakilala ako ni Daddy sa kanila at kung paano ako ipinagtanggol ni Abby sa lahat. Flashback “Starting today this will be your new home,” sabi sa akin ng aking ama. Wala pang isang oras simula ng pinuntahan n’ya ako sa bahay na tinutuluyan ko dito sa Maynila. Hindi ko alam kung paano n’ya ako natagpuan pero wala naman na akong ibang pagpipilian kung hindi ang sumama sa kanya dahil wala na rin akong pera. Kasalukuyan akong nag-aaral ngayon at kailangan ko ng pera para sa pag-aaral ko. Nauna s’yang pumasok sa akin sa loob ng malaking bahay at sumunod lamang ako sa kanya. “Paki dala ang mga gamit n’ya sa guest room,” sabi nito sa isang kasambahay kaya kinuha nila sa akin ang gamit ko. “Kahit po sa maid’s room na lang po ako,” sabi ko sa kanya kaya nilingon n’ya ako. “Hindi kita kinuha para gawing katulong Lauren, anak kita.” Sabi n’ya sa akin at tinapik ako sa balikat. “Anong ibig sabihin nito?” tanong ng kakapasok lang na asawa ni dad. Kilala ko s’ya dahil hindi lang naman ito ang unang beses na nakita ko s’ya, bata pa lang ako kay kilala ko na s’ya dahil sa ginawa n’yang pagsugod noon kay nanay. “She will be staying here with us,” sabi ni dad sa asawa n’ya. “Are you out of your mind? Anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang may anak ka sa labas? Our reputation will be ruin!” galit na sabi nito kay dad at masamang tumingin sa akin. “Aalis na lang po ako,” sabi ko sa kanila at tumalikod na. Kung hindi naman ako welcome dito, uuwi na lang ako sa probinsya. Siguro nga kailangan ko na lang tanggapin ang katotoohanan na hindi na ako makakapag-aral pa. “You better leave!” sigaw nito sa akin. “No one will leave!” sigaw naman ni dad at pinigilan ako sa pag-alis. “Let that trash leave this house! Hindi nababagay dito ang anak mo sa kabit mo! Mahiya ka naman sa amin ni Abby, dito mo pa talaga ititira ‘yang bastarda mo!” galit na galit na sabi nito kay Dad at hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. Hindi ko magawang ipagtanggol ang nanay ko, pati na rin ang sarili ko. Tama naman kasi ang mga sinasabi n’ya sa akin. Isa akong basura at kabit ang nanay ko. Bunga ako ng pagtataksil ng ama ko sa kanya. “Anong nangyayari dito?” tanong ng kakadating lang na si Abby. My half-sister. “Go to your room Abby, may basura lang kaming dapat itapon.” Sabi nito kay Abby. “Mom please stop, don’t be like that please. I know the situation and if dad want Lauren to stay here then so be it. Anak s’ya ni dad at may karapatan s’yang makasama si dad. She is my sister,” sabi nito at nilapitan ako. “Are you out of your mind?” tanong ng mommy n’ya sa kanya. “She will ruin our family’s reputation!” galit pa rin na sabi nito. “Mom we could make an arrangement regarding that matter. Kung ayaw n’yong malaman ng iba na kapatid ko si Lauren. Just let her stay here. Hindi naman s’ya dadalhin ni dad dito kung hindi s’ya kailangan ni Lauren,” sabi ni Abby sa mommy n’ya. End of flashback Simula no’n si Abby na ang naging tagapagtanggol ko sa kanilang lahat. Kaya paano ako tatanggi sa hinihiling ni Abby sa akin kung s’ya ‘yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Napabuntong-hininga na lang talaga ako at lumabas ng unit ko para magpahangin. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang gusto n’ya pero kailangan ko ng kumilos ngayon kung gusto kong masira ang kasal ng lalaking mahal ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD