Chapter Thirty Five CALOY HINANAP ko ang kwarto kung nasaan si Doc Ben. Habang naglalakad ako ay nasa isipan ko pa rin ang labis na pagtataka kung bakit puno ng litrato ko ang mga ding ding na iyon. May mga litrato din na kung saan ay nandoon si Kyla, kasama ko. Nakapagtataka lang na maging sa mga panahong buhay pa ang nanay ay may litrato pa rin ako. Dala dala ang tray ng mga gamot at tubig pati na rin ang mga katanungan sa isipan ko ay binuksan ko ang isang pintuan sa dulo ng pasilyo kung saan ay nakita kong nakahiga si Doc Ben. Nakapikit siya at nang naulinigan na may pumasok ay saka niya unti unting iminulat ang kanyang mga mata at ngumiti. May upuang nakalaan sa may tabi ng kanyang kama kaya naman naupo ako doon at saka ko ipinatong ang tray ng gamot at tubig sa may mesa sa tabi