Chapter Thirty Four CALOY GUMISING ako ng alas sais ng umaga at nagbabakasakaling nakauwi na si Kyla. Hinayaan ko muna ang sarili kong nakahiga sa kama habang nag-iisip. Maliwanag na nang bumangon ako at bumaba. Naabutan ko sila nanay at tatay na nagkakape habang nanonood ng balita. "Magandang umaga po nay, tay," bati ko sa kanila bago maghilamos ng mukha. "Magandang umaga rin hijo. Magkape ka na muna. Nakaluto na rin ako ng almusal. Kumain ka na muna," wika ni Nanay. "Kape na lang po nay. Uuwi na rin po ako at baka nandoon na si Kyla. Wala pa po ba siyang text sa inyo?" Tanong ko sa kanila. "Wala pa eh. Pero baka maya maya ay uuwi na iyon," nakangiting sabad ni tatay. Nagtimpla na ako ng kape at naupo sa tabi ni tatay. Habang nanonood kami ay wala sa balita ang aking isipan dahi