Chapter Thirty Three KYLA PAGKATIMPLA ko ng kanyang kape ay nagbigay na siya ng instructions sa akin. Mga bagay na kailangan kong gawin bago dumating ang araw na tiyak kong ikalulungkot dahil sa katotohanang mawawala na si Doc Ben at gamot na lang ang nagpapahaba ng oras niya. Minsan sa buhay, maiisip natin na lahat ng nilalang ay kamatayan ang huling hantungan. May mga araw sa buhay natin na naiisip natin ang tungkol dito. Walang nakatatakas sa kamatayan. Lahat ay pagdadaanan ang yugtong ito ng buhay. Kaya naisip ko na ang kamatayan ay isang bagay na nagbibigay ng kulay at kahulugan sa ating buhay. It is true. Death gives meaning to life. This is to remind us that our days are numbered and our time is short. So it is a reminder for me to always live my life like it is the last da