Chapter Eighteen KYLA KASALUKUYAN akong nagtutuhog ng karne para sa barbeque ng mga tambay pogi. Napag-utusan na naman ako ng kuya kong ungas. Nandoon na naman sila sa labas, naghahanda para sa kanilang jamming – ang inuman. Alas kwatro pa lang ng hapon pero nandito na ang ilan sa mga kaibigan naming dalawa. Si Caloy? Nandoon din, nakikiclose. Ang sarap tuhugin ng karne dahil nanggigigil ako. Paano ba naman kasi, nandoon na, may kumatok pa. Kahit kailan talaga, ungas ang kuya ko. Kailan ko ba sila inistorbo ni Savanah? Kailan ako kumatok ng wala sa oras? Dapat pala naglagay ako sa labas ng kwarto ko ng ‘Do Not Disturb for One Hour!’ Habang tinutuhog ko ng mabilis ang mga karneng dala ni Leo ay naaalala ko pa ang mga nangyari kanina. FLASHBACK “Mukhang gusto ko nang simulan ang pagg