Chapter Thirty One KYLA KINUHA ko kaagad ang detalye na sinabi ng nasa kabilang linya at nagmadali akong umalis. Hindi ko alam kung paano ko siya pupuntahan dahil wala akong mapagsabihan ng tungkol dito. Hindi ko rin naman alam kung dapat ko na bang sabihin kay Caloy ang tungkol kay Doc Ben kaya naguguluhan pa rin ako. “Saan ka pupunta?” tanong ni mama. “Ma, pakitanong naman si kuya kung gusto niya akong ihatid sa San Joaquin, ngayon na,”nagmamadali akong umakyat sa taas para magpalit ng damit. “San Joaquin? Bakit? Anong gagawin mo doon?” tanong niya. “Basta ma, may emergency, kailangan kong pumunta, ngayon na,” nagsara na ako ng pintuan at agad naghalungkat ng mga naiiwan kong damit. Madali lamang akong nagbihis at saka ako bumaba agad sukbit sukbit ang bag ko. “Anong gagawin nati