Chapter Sixteen CALOY “MABUTI naman at nakabalik ka na,” nakangiting bati ng lalaking nagngangalang Vince pagdating ko sa OPD. Makikita ko na walang gustong kumibo sa aking mga kasamahan samantalang siya ay nakatayo lamang at parang may hinihintay. Magsasalita na sana ako nang dumating ang director ng ospital. Si Dr. Queroda. “Nandito na ba siya?” mula sa likod ko ay nagsalita siya kaya naman napalingon kaming lahat. “Nandito na nga uncle,” naglakad pa itong Vince papunta sa likod ng director. “Bakit po?” tanong ko. “Nakita ko sa CCTV ang ginawa mo kanina sa hospital canteen,” panimula niya. Bigla akong napatingin kay Vince na ngayon ay parang inaasar ako ng kanyang mga ngiti at tingin. “Iyon po ay,” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Vince. “Nakita mo namang kw