Chapter Twenty Six KYLA MAG-AALAS Nuwebe na nang magising ako. Wala na siya. Pagbangon ko ay may pulang supot sa tabi ko. Kinuha ko iyon at nakita kong mga bra at panty ang laman. Natawa naman ako nang makitang iba't ibang sizes ito at may pambata pa. Gusto kong picturan tapos i-send sa kanya kaso baka ma-offend, siya na nga itong nag effort na bumili. Tumayo na ako at saka ko inayos ang higaan. Nagpusod muna ako ng buhok bago ako magtungo sa CR para umihi. Paglabas ko ay nagtungo naman ako sa mini-ref niya at kumuha ng tubig. Habang umiinom ay nakita ko ang balot ng tinapay at palaman sa may mesa. "Wow, sooo thoughtful," nakangiti kong wika. Inilapag ko ang cellphone sa mesa at tiningnan ang laman nito at pandesal nga. Naisip kong magtimpla ng kape kaya nagfeel at home na ako s