"Marcus, sinusundan mo ba kame?" Mariing tanong ni Amara sa kanya, habang na kay Marc ang atensyon niya. Iba talaga ang nararamdaman niya sa bata, maliban pa sa physical nito dahil nga kamukha niya ito. Ramdam niya ang tinatawag nilang lukso ng dugo sa bata. "Marcus, ano ba!" Sabay hila pa ni Amara sa damit niya. Napaangat naman siya ng paningin at sinulyapan si Amara. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay Amara na nasa magandang mukha nito ang galit. Pag gising palang niya kanina agad na siyang bumaba ng lobby, para magmanman sa dalawa. Naghintay siya ng medyo mahabang oras bago bumaba ang dalawa. Alam niyang kung makikita siya ni Amara agad tiyak na mag e-esterikal na naman ito at iiwas sa kanya, kaya naman palihim niyang sinundan ang dalawa mula sa hotel hanggang dito sa fas

