Kinabukasan pag gising ng anak niyang si Marc nagyaya na itong lumabas at kumain na daw sila sa paborito nitong fastfood. Nangako kasi siya kagabi sa anak na kakain sila ngayon, kaya naman iyon ang bungad nito sa kanya. Hindi naman niya malaman kung paano sila lalabas ngayon, dahil tiyak na naka abang sa kanila si Marcus sa labas. Ang nangyari kagabi sa kanila ni Marcus ay hindi niya inaasahan. Nabigla siya at hindi niya malaman kung ano ang gagawin at tamang sabihin kay Marcus sa paghaharap nilang tatlo. Nakita niya sa mga mata ni Marcus ang pagkabilang nang makita siya, lalo na nang makita nito si Marc. Alam niyang napansin ni Marcus na kamukha nito si Marc. Dahil mismong si Marc ay napansin nito na ang pagkakahawig nito kay Marcus. Iyon nga lang sa pagkabilang hindi niya malaman kung

