"Marc?" Ulit niya sa pangalang binanggit ng bata sa kanya habang kay Amara nakatingin. Nag iwas naman ng tingin si Amara sa kanya. "Let's go, Marc," sabi ni Amara sabay hila sa batang kasama nito. "Mommy," narinig niyang sabi ng bata na marahil ay nagulat sa paghila ni Amara rito. Bago pa siya makatayo para pigilan si Amara sa pag alis ay nakalakad na ang dalawa. Malalaki ang mga hakbang ni Amara palayo sa kanya. Halos kaladkarin na nga nito ang batang kasama nito na palingon-lingon pa sa kanya. "Amara, wait!" Pigil niya sa babae pero mas lalo pa nitong binilisan ang paglalakad. Kaya naman mabilis din niyang sinundan ang mga ito. "Amara!" Tawag niya sa babae. Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Amara. Huminto si Amara at ang batang kasama nito sa tapat ng isang pintuan. Marahil i

