Kinagabihan naghanda na sila para sa dinner sa bahay ng mga magulang ni Marcus. Hindi pa nga niya alam kung ano ang isusuot, first time kasi niyang makakaharap ang mga magulang ni Marcus, at talaga namang kinakabahan siya. Nais niyang magmukhang desente sa harap ng mga ito. Para naman walang mapintas ang mga ito sa kanya. Sinabi naman ni Marcus na mababait ang mga magulang nito, at hindi ito katulad ni Don Marcelo. Wala daw siyang magiging problema sa mga ito, sabi pa ng asawa sa kanya. Ganoon pa man hindi pa siya nagkampante at nais niyang ibigay ang best niya. Pati nga si Marc, sinabihan niya ng maayos ang anak na huwag masyadong malikot mamaya, para naman hindi makulitan ang lolo at lola nito rito. "Relax, sweetheart. Just be yourself," sabi sa kanya ni Marcus habang tinatahak na nila

