Weekend nagpasya silang magtungo ng San Ignacio. Nais na daw kasi ni Marcus na maiharap sila ni Marc sa mga magulang nito. Pumayag naman siya, para na rin makilala na ni Marc ang Lolo at Lola nito, pati na ang mga tiyuhin nito. Bago nga sila umalis panay pa ang tawag ni Don Marcelo sa kanya, pero hindi niya sinasagot. Ayaw na muna niyang makausap ang Don sa ngayon, nais niyang mag focus silang mag asawa sa masaya lang muna. Nag text din ang Don sa kanya na nais daw siya nitong makita at makausap. Pero hindi na lang muna niya ito sinagot, wala na rin naman siyang oras pa para puntahan ang Don at kausapin ito. Saka na lang niya haharapin ang Don pagbalik nila mag anak galing San Rafael. Nagpaalam siya sa mga magulang niya na tutungo muna ng Ignacio kasama sina Marcus at Marc. Masaya naman

