Bago siya umuwi sa bahay ni Amara dumaan muna siya sa paborito ni Marc na fastfood para bilhan ang anak ng pasalubong. Nangako kasi siya sa anak na bibilhan niya ito ng pasalubong at tiyak na magtatampo ang bata pag umuwi siyang walang dala. Matapos niyang mabilhan si Marc ng pasalubong napadaan naman siya sa isang flower shop para bilhan ang asawa ng bulaklak. Mula ng maikasal sila ni Amara hindi pa niya ito nabilhan ng bulaklak. Hindi na nga niya naibigay ang kasal na dapat sa asawa niya, pati engagement ring at wedding ring. Marami pa siyang pagkukulang sa asawa na dapat niyang punuhan. Ngayong tapos ang gulo nila sa Don masisimulan na niyang ayusin ang lahat sa kanila ng asawa. Nais niyang ibigay ang lahat kay Amara, kaya babawi na siya simula ngayon. Ngumiti siya at inamoy-amoy ang

