"Hmmm... Masarap," puri ni Marcus sa niluto niya. "Buti naman nagustuhan mo," nakangiting sabi niya habang magana na ring kumakain sa niluto niya. "Hindi ko alam na marunong ka palang magluto, Amara," Marcus said. "Marami ka pang hindi nalalaman sa akin, Marcus," she said. "Para saan nga pala ang biglaan mong pag invite sa akin dito mag dinner?" Usisa ni Marcus sa kanya habang patuloy pa rin sa maganang pagkain. "Wala lang nais ko lang yayahin kang dito kumain, tutal naman dito na ko nakatira ngayon," she said. "Akala ko pa peace offering mo sa akin ito, bigla kasi ang pagtopak mo kanina," sabi pa nito sa kanya. Pinamulaan naman siya sa pisngi, dahil iyon naman talaga ang dahilan niya kung bakit inimvite niya si Marcus. "Kumain na nga lang tayo," tanging sabi niya para maiba naman

