Mabilis na lumipas ang isang buwan na pagsasama nila ni Amara. Kahit isang buwan silang magkasama nito at araw-araw na niya itong naaangkin ay hindi pa rin siya nagsasawa kay Amara. Walang araw na hindi niya ito naisip na angkinin. Wala pang babaing tumatagal sa kanya ng ganito ng katagal tanging si Amara lang. Inakala nga niya noon na baka isang linggo lang ay magsawa na siya kay Amara, pero heto at isang buwan na silang nagsasama ni Amara, hindi pa rin nagbabago ang pananabik niya sa magandang dalaga. "Marcus ako na ang bumili ng engagement ring na ibibigay mo kay Melissa bukas ng gabi sa engagement party niyo," sabi ng lolo niya sa kanya habang kumakain sila ng almusal sa komedor. "Kailangan po ba talagang bukas na ganapin ang engagement na iyan?' Tanong niya habang patuloy sa pagkain

