"Ano sasabihin mo na ba sa akin kung sino ang sponsor mo sa mga magaganda mong damit at mga gamit?" Pangungulit sa kanya ni Lexie nang sabay sila ng kaibigan na naglalakad palabas ng campus. Ilang beses na nga siyang kinulit nito kung sino daw ang gumagastos sa kanya at nakakabili na siya ng magagandang gamit niya. Syempre hindi niya sinasabi rito ang totoo, alam niyang masyadong kumplikado si Marcus at hindi pwedeng malaman ng iba kung ano ang namamagitan sa kanila ni Marcus. "Huwag mo nang alamin at may taning naman ang lahat ng ito," iling ulong sabi niya sa kaibigan. "Taning? Anong taning?" Usisa pa nito sa kanya. "Wala huwag mo nang alamin pa," nakangiting tugon niya. "Amara!" Narinig niyang may tumawag sa kanya nang makalabas na sila ni Lexie ng gate. Nakita niya ang kapatid sa

