Dahil na rin nagising na si Marc ay hindi na nila naituloy ni Amara ang pinag-uusapan nila tungkol kung paano nito nakuha ang lahat ng ito sa loob lamang ng apat na taon. Alam naman niyang isang Nurse sa Canada si Amara, nakapagtapos ito ng pag-aaral at pumasa sa board exam, kaya natitiyak niyang sa malaking ospital ito nakapasok. Pero ganoon pa man ang ganitong kalaking bahay na moderno, isama pang sa loob ng exclusive subdivision ay hindi biro ang halaga. Ilang milyon na aabot ang presyo ng lupa, at milyon din ang presyo ng gawa nito, isama pa ang mamahaling kagamitan. Hindi naman sa minamaliit niya ang asawa at kinukwestiyon kung paano nito nakuha ang ganito kalaking bahay, ay napapaisip lang siya, lalo na't kung anu-ano na ang sinabi ng lolo niya patungkol kay Amara. Sinabi rin naman n

