Matapos nilang makapamili ng mga kailangan nila sa bahay ay agad na rin silang umuwi. Napagod na kasi si Marc at biglang nag ta-tantrums, sabi ni Amara inaantok daw ang bata, kaya umuwi na lang sila agad para makapagpahinga na si Marc. Pagdating sa bahay hindi pa tapos ang mga nag-aayos, kaya naman tinulungan na muna niya mag ayos ng mga pinamili nila ang asawa bago siya umalis. Kailangan kasi niyang magtungo sa asyenda para makipagkita sa lolo niya, tiyak kasi na manggugulo ang Don kung sakaling hindi siya magpapakita rito. Galit na galit ito sa ginawa niyang pagpapakasal kay Amara. "Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Amara nang magpaaalam siya ritong aalis. Hindi na sana niya sasabihin sa asawa ang tungkol sa Don, dahil alam niyang malulungkot lang ito, lalo na't aware ang asawa na a

