"Hi, sorry I'm late," paumanhin sa kanya ni Marcus nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Madilim na kasi ng makabalik ito sa bahay nila. Nakatulog na nga si Marc sa kahihintay sa Daddy nito. Siya man nainip na rin sa kahihintay sa asawa niya na nagtungo sa Hacienda Leonardo para harapin si Don Marcelo. "Nag dinner ka na ba?" Tanong niya sa asawa nang makapasok na ito sa loob ng bahay. "Hindi pa. How about kayo ni Marc, nag dinner na ba kayo?" Marcus asked her. "Pinakain ko na si Marc, bago siya natulog," she answered. "Tulog na pala si Marc. Hindi man ako nakapag goodnight sa kanya," sabi pa nito. "Bakit kasi ang tagal mong bumalik?" Tanong niya sa asawa na hindi naitago ang inis sa tono. Ewan niya kung bakit pero nakaramdam siya ng inis nang hindi ito agad nakabalik sa bahay nila. "

