Marco-84

1008 Words

Kinabukasan maaga silang lumabas ng suite ni Marco para puntahan ang mag asawang Jake at Angel na magiging witness sa kasal nila ngayong araw. Wala pa siyang alam sa ano mang detalye sa gaganapin na kasal nila mamaya. Hindi niya alam kung saan ang location sila ikakasal, ang alam lang niya ngayong araw na sila ikakasal ni Marco, ngayong araw na ito na siya magiging Mrs. Marco Leonardo. "Savannah!" Tili ni Angela sa kanya nang magkita na sila ng kaibigan. Mukha ngang nakipagsabwatan pa ang mag asawa kay Marco para ma surprise siya sa wedding day niya. Agad siyang niyakap ni Angela, habang nagkukumustahan naman sina Marco at Jake. Wala siyang mapipintas sa mag asawang kaibigan nila, napakabait, napaka down to earth at may pagka kalog pa. "Angela ah, hindi mo sinabi sa akin na susunod pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD