Tinulungan siya ni Marcus na makabangon mula sa pagkakahiga sa kama. Inabot nito ang kamay nito sa kanya para matulungan siya. May sariling isip naman ang kamay niya na tinanggap ang kamay ni Marcus. Maingat siyang hinila nito patayo habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata. Ang mga mata nilang kapwa nagliliyab na sa pagnanasa. Hawak kamay pa silang lumakad patungo sa bathroom na nasa silid niya. Sinilip na niya kanina ang bathroom na iyon at kumpleto na ang mga gamit, lahat ng pinabili niya ay naroon na, kaya pwede na nilang gamitin ang bathroom. Malawak ang bathroom na pinalagyan niya ng malaking bathtub. Bilang isang laki sa hirap, pinangarap niyang magkaroon ng bathtub ang sariling banyo. Isa ang makaligo sa bathtub ang pangarap niya. "Amara," tawag nito sa pangalan niya nang

