Nang hapon din iyon nag check out na sila kani-kanilang mga suite para tumuloy na muna sa bahay niya. Hindi pa iyon nakaayos dahil pinapaayos pa niya sa interior designer na kinuha niya. Pero pwede naman na sigurong tulugan iyon, pinauna naman kasi niyang ipaayos ang magiging silid niya at ang kusina naman naka set up na iyon kaya pwede na silang magluto kung sakali. Ang mahalaga naman ay may matulugan na sila ngayong tatlo at may sariling silid ng mahihigaan si Marc, para naman kahit papano may privacy sila ni Marcus. Sadya kasi niyang pinagawa ang silid niya na naka connect sa magiging silid ni Marc, pansamantala lang naman iyon, habang bata pa si Marc, gagawin niyang closet iyon soon. Medyo awkward kanina ang nangyari sa kanila ni Marcus, dahil nakita ni Marc na naghahalikan sila, alth

