Kinuwento naman niya lahat kay Lexie ang pinag-usapan nila ni Marcus. Ang balak nilang magpakasal ngayong araw sa Mayor ng San Miguel. "Sa Mayor lang?" Tanong sa kanya ni Lexie. Tumango siya sa kaibigan. "Ako ang may gustong sa Mayor lang kami ikasal ni Marcus, para mabilis at hindin na makakakontra pa si Don Marcelo," tugon niya sa kaibigan. Isa si Don Marcelo sa dahilan kung bakit nais niyang makasal na sila agad ni Marcus, baka kasi umeksena pa ang Don at gumawa na naman ng paraan para paghiwalayin sila ni Marcus. Hindi na niya hahayaang maulit muli ang ginawa ng Don na paghihiwalay sa kanila ni Marcus, hindi para sa kanya, kundi para sa anak nila ni Marcus. Hindi niya hahayaang maranasan rin ni Marc ang kalupitan ng Don. "Sa bagay, makapangyarian at pakialamero talaga iyang Don na i

