Kinabukasan nagising siya sa yugyog ni Marc sa kanya. Nauna na palang nagising ang anak niya kesa sa kanya, kaya ginising pa siya nito. "Mommy wake up. I am hungry," narinig niyang sabi ni Marc. Nagmulat siya ng mga mata at nakasimangot na mukha ng anak ang bumungad sa kanya. "Good morning, baby," nakangiting bati niya sa bata. "Good morning Mommy," bati rin nito sa kanya..Kinabig niya ang anak payakap at niyakap ito ng mahigpit. "Magkakaroon ka na ng buong pamilya, anak," bulong niya rito. Hindi niya alam kung paano siya nakatulog kagabi, at kung paano nakaalis si Marcus sa hotel room nila. Medyo tinamaan yata siya sa alak na nainom nila. Nagyabang kasi siya na marunong siyang uminom at sanay, kahit sa totoo hindi naman talaga siya umiinom. Unang kopita pa nga lang tinamaan na siya

