"Payag kang magpakasal sa akin?" Nagtatakang tanong pa niya. Hindi niya inaasahan na agad papayag si Amara sa alok niyang magpakasal sila. Ganoon pa man masaya siya at payag itong magpakasal sila ngayon. Kahit noon pa mang hinahanap niya si Amara ay handa na siyang pakasalan ito, at ngayon mangyayari na iyon. "Yes, Marcus payag akong magpakasal sa iyo para sa anak ko," tugon nito. "Para kay Marc?" He asked. "Yeah, wala naman akong ibang dahilan pa para magpakasal sa iyo Marcus. Kailangan ng anak ko ng ama at nagkataon na ikaw ang ama niya. And inalok mo naman ako ng kasal, kaya bakit pa ko tatanggi kung para sa ikabubuti naman ng anak ko," litanya nito sa kanya. Hindi siya nakakibo, inintinding mabuti ang sinabi nito sa kanya. Kung ganoon kaya ito payag na magpakasal sa kanya ay dahil

