Habang nagtitimpla siya ng kape sa naramdaman niya ang paglapit ni Marcus sa kinatatayuan niya. Napalunok pa siya, kanina pa kumakabog ang dibdib niya sa kaba at kung anu-ano pang nararamdaman. Isama pa ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Pakiramdam niya mas lumakas pa ang kabog ng dibdib niya, dahil nasa pribadong silid na sila ngayon ni Marcus at silang dalawa lang, although kasama naman nila si Marc, pero tulog ang bata. "Ang sarap ng tulog ni Marc," narinig niyang sabi ni Marcus. "Ah.. Yeah," tugon niya at liningon ito. Nagulat pa siya nang nasa likuran na pala niya ito at muntikan pa niya itong mabunggo. Dahil na rin sa pagkagulat niya nabitawan niya ang tasang hawak na agad bumagsak sa sahig at nabasag iyon. Napatili pa siya nang marinig ang malakas na pag bagsak non. Yuyuko na

