Pinagpasalamat niyang hindi tumanggi si Amara na makita niya ngayong gabi si Marc. Nais lang niyang masilayan ang anak, kahit saglit lang. Ramdam na ramdam naman talaga niya na anak niya si Marc. Bukod sa magkamukha sila ng bata ay kahit sa larawan palang kiya nakita si Marc ay iba na ang pakiramdam niya. Isama pang inamin sa kanya ni Amara na wala itong naging ibang lalake sa buhay. Siya daw ang una at huling lalake sa buhay nito, at naniniwala siya rito. Hindi rin kasal si Amara sa kung sinong matanda na sinasabi ng lolo niya, kaya hindi anak ni Amara si Marc sa sinasabi ng lolo niya na matandang foreigner. Nakita naman niya sa mga mata ni Amara na hindi ito nagsisinungaling sa kanya. Habang patungo sila sa suite na tinutuluyan ni Amara at Marc, kapwa sila walang kibuan ni Amara. Tahim

