"Marcus," tawag niya sa lalaking kaharap na naghihintay ng sagot niya. "Just tell me Amara, ako ba ang ama ni Marc?" Marcus asked. Humugot siya ng malalim na paghinga at tumingin ng deretso sa mga mata nito. Aaminin na niya kay Marcus ang totoo, wala siyang planong ilihim rito ang kaugnayan nito sa anak niya. "Maniniwala ka ba sa akin Marcus kung sasabihin kong ikaw nga ang ama ni Marc?" Tanong niya sa lalake. Nakita niyang kumunot ang noo nito sa sinabi niya, saka ito sunud-sunod na tumango sa kanya. "Naniniwala ako, Amara dahil nararamdaman ko na ako ang ama ni Marc, " Marcus said. "I see," she said at inabot ang wine glass para uminom ng wine, at nang makakuha ng lakas loob sa kaharap. Alam niyang pinapakita lang niya kay Marcus na matapang niya itong hinaharap, pero deep inside n

