"Saan mo pa ba hahanapin si Amara, Marcus eh halos nahalughog mo na ang buong pilipinas at wala ka pa ring Amara na nahahanap," sabi sa kanya ni Carlo nang puntahan siya ng kaibigan sa San Ignacio. Alam ni Carlo na ilang buwan na niyang hinahanap si Amara. Nagpatulong na nga rin siya sa kaibigan na ito ang mag set ng tao sa San Miguel para hanapin at mag imbestiga kay Amara doon. Ngunit katulad din niyang walang makuhang balita kung nasaan nga ba si Amara. Nagpatulong na rin siya kay Alvin ang Kuya ni Amara, ngunit maliban sa buwan-buwan daw nagpapadala si Amara ng pera sa mga magulang nito ay wala ng ibang balita. Hindi man daw kasi tumatawag si Amara sa Nanay at Tatay nito, basta dumarating na lang daw ang padala ni Amara kada buwan kung saan galing hindi daw alam ng Nanay at Tatay ni

