NICKAELLA Pumunta na kami sa grahe ng bahay, yung 4x4 ang ginamit namin dahil sa mga bata. Isinama na namin sila kase gusto ko na makapagbonding kami ng magkakasama. Ayaw pa sana ni Xenon kaya lang pinanlakihan ko ng mata. "Tch, tumahimik ka nga sa kakakanta Xenaia, ang sama ng boses mo no!" Sabi ni Xenon sa kapatid. Umaandar na kase kami, at etong si Xenaia nakanta ng Blank Space ni Taylor Swift "Whatever Kuya, ang ganda kaya ng boses ko, inggit ka lang." Napatawa ako, parang teenager na talaga si Xenaia, "Wag ka na bastang kumanta, pag umulan di tayo matutuloy." Pangungulit pa ni Xenon. Buti nalang at di nakikisali sa gulo si Xennyth, naka upo lang sya, naka headphones. Feeling ko nag aadjust parin sya saamin, saakin. Maya maya pa ay bigla nalang inaasar ni Xenaia ang kapatid. Nata